Malamang nabasa na ito sa inyo noon bata pa kayo o di kaya may nag-sabi na sa inyo nito – kaibigan o magulang: bata o nakakatanda. Ito ay isang fable na galing Kay Aesop. Naala ko itong kuento na ito dahil sa mga balita nababasa at naririnig ito mga nakaraang araw, linggo at buwan.
Sa sitwasyon ng buhay ngayon hindi maiiwasan na bumalik sa isipan ang kuwento ng Langgam at ng Tipaklong.
Sa Amerika dahil sa problema sa housing credit ay pumapalya at naghuhulugan ang mga malalaking Financial Institutions at marami ang nawawalan ng trabaho – Sa Wall Street nag-Redundancy or nag lay-off sila ng higit sa 70,000 na tao. Sa Europa naman sa isang kompanya pumayag ang empleyado na mag bawas ng suweldo – para hindi mawalan ng trabaho.
Ang mga Gobierno ng ibat-ibang bansa ay gumagawa ng paraan para ma-salba ang kanilang ekonomiya. Sa Iceland napilitan ang Gobierno na i-nationalize ang dalawa sa mga pinaka-malaking bangko, Landsbanki at Glitner. Karamihan ng mga subsidiaries ng mga bangko na ito ay na sa London. Problema ng Iceland ay nagkakaroon ng epekto sa London (United Kingdom).
Lahat tayo apektado ng economic crisis na ito. Ang economiya ng mundo ay para ng isang ecosystem na kabit-kabit. Parang web ng gagamba – ano man mangyari sa isang dako ng web ay maramramdaman sa kabila or kahit anong lugar.
Pati China apektado. Isa sa mga nag palakas sa China ay kanyang export – na malaking bahagi ay binili ng mga taga US. At ang pera na ginamit nila mula sa credit na parte o kasama housing credit. Kaya marami din ang nakatingin sa Thanksgiving Day o pagtapos nito – Black Friday – kung kailan marami ang bumibili para sa Pasko. Marami ba ang bibilhin ngayon? O magtitipid ba ang mga tao sa US?
Hindi mo naman kailangan maging henyo para makita ang epekto ng lahat na ito sa ating bansa.
1. Apektado ang export natin sa US at sa ibang bansa.
2. Apektado din ang mga OFW at migrante natin – dahil sa mga redundancies sa ibang bansa.
3. Ang real estate natin apektado dahil isa sa mga pinakamalaki na suki ng prime real estate sa atin ay mga Pinoy immigrants.
4. At dahil lahat nag titipid unti-unti na rin nawawalan ng trabaho dito. Itong mga huling linggo marami ng nangyayari – natatanggal ang mga trabaho dito. Hindi lang tao… minsan isang buong department ang natatanggal.
Halos lahat ng mga kaibigan o ka-kilala ko na nag tratrabaho puro masama ang balita. (i) Mga kompanya nag-titipid, (ii) May mga kompanya na nagtatangal ng trabaho – Tinatanggal ang mga puwesto (redundancy). Kahit ano galing mo sa trabaho – pag wala na ang trabaho tepok kang bata ka. Sa isang kompanya halos susunod na araw nawawalan ng trabaho, Nakatanggap ng email mula sa kaibigan nag hahanap ng trabaho. Sinarado ng kompanya ang buong project,
Ang pagtitipid ay ginagawa ng mga kompanya sa buong mundo – sa lahat ng units nila.
5. Mga kompanya ng Credit Card masipag na mag-collect at mag bigay ng amnesty.
6. Nahahalata mo nawawala na ang mga kasabay mo sa FX tuwing umaga.
7. Mataas ang retail sa Rustan, Ngunit ito ay dahil marami na sa mga may kaya ang hindi na pumupunta sa ibang bansa upang bumili. Dito na lang tipid tipid. Pati ang mayayaman na mautak nag titipid ngayon.
Halos sabay-sabay na. Napapa-isip ka tuloy kung ano ang mga mangyayari sa hinharap.
Samantala, At ano nagyon para sa mga Amerikano?
Sabi ng ilang hindi daw apektado mga trabaho dito – dahil sa mura pa din. Pero kung marami ang nawawalan ng trabaho sa Europa at sa US. Hindi kaya ang mga ito ay kakagat na rin sa trabajo. Pipiliin ang underemployment kaysa sa unemployment?
Hindi lahat, masasagot ng Welfare. Pag-tagal tagal baka kagatin na rin ang mga trabaho na hindi gusto. No choice,
At tayo?
Hindi natin maiiwasan ang krisis na ito: Walang ligtas sa bagyo na ito. Nandito na ang bagyo mga iho at iha.
Popularity: 12% [?]
Hi Mr. Sonido,
Ang ganda at napakaliwanag ng sinulat mo. Sabi nga, kapag nasimulan tatapusin.
Ang hinde ko maintindihan sa tinatawag na pinancial krisis ay kung sino ang nakikinabang dito?
Noong July 1994, nagkaroon ng Asian Crisis. Tanda ko yan dahil ang pinapadala kong pera ay halos nagdoble. Ang sabi sa dyaryo over-stretch ang economiya ng Asia (Thailand, Malaysia, Indonesia at ilan pa). Ano ang dahilan? Saan napunta ang losses ng mga tiger economies?
Kung susundan ko ang paliwanag mo (sapot ng gagamba), malinaw na kapag merong ‘nawala’ meron maaapektuhan sa susunod ng pila. Sa Ingles “cause and effect”. Pero para mawala, meron “kukuha”
Alam mo, hinde ako ekonomista, pero gaya ng paliwanag mo tayo ay interconnected sa bawat isa sa buong mundo. Hinde ko maisip na basta na lamang sisingaw ang kaban ng mundo ng ganoon na lang.
Ewan ko at hinde ako sigurado kung itinatanong ko ang tamang tanong. Gusto ko sana marining ang paliwanag mo.
Hindi lahat ng balita ay masama, palaging may oportunidad o sa wikang Ingles “a silver lining”
Nais kong ipahiwatig sa mga kapwa kawani ko sa serbisyo sibil na sila ang pinakamaswerteng empleyado ngayon.
Hindi sila masisisante kahit na may krisis, bagkus sila may mabibigyan ng dobleng pagtaas sa kanilang sweldo. Marahil maiipapasa ng Kongreso ang panukalang pagsasaayos sa Salary Standardization Law. Ito ay salop ng mga boto sa susunod na halalan.
Ngunit sa akademya ang epekto ng krisis ay makikita na. Sa Unibersidad ng Pilipinas, mababatid na ito sa pagtigil sa pagempleyo ng mga bagong guro. Ang pera sa pananalikisik ay mababawasan ang resulta ay mawawalan ng trabaho ang mga researchers dahil matitigil ang mga proyekto.
Nahirapan ako hanapan ng sweldo ang aking research staff para sa susunod na taon. Ang dahilan ay nangalahati ang salapi na inilaan para sa pananaliksik sa 2009. Kailangan mag re-align ang DOST at iba pang organisasyon na tumutugon sa pananaliksik.
Sa pribadong mga kolehiyo at uniberisadad marami sa mga kontraktwal na guro ay di mabigbigyan ng appointment sa susunod na taong pangakademya. Inaasahan na bababa ang enrolment sa susunod na taon. Ang consuelo de bobo ay sa Abril pa sila mawawalan ng trabaho.
Ano nga ba ang maaring gawin?
Sa madaling panahon, kung may naipon ang dating empleyado, pwede siyang magaral muli. Tumaas ang bilang ng mga magaaral na gradwado sa UP ngayong semester na ito. Ngunit may cost din ang pagaaral. Ang sabi ko nga sa mga graduate students ay baka mas makakabuti kung nag-enrol na lamang sila sa isang short course na magbibigay sa kanila ng kakayahan na pwedeng pagkakaitaan kaagad. Ang pagkuha ng masters degree ay kailangan pagugulan ng panahon at dahil mataas na ang matrikula, baka talo ang magaaral.
Kailangan hanapin ang oportunidad ngayon sa krisis. Madaling makita ang oportunidad. Sabi nga ng lolo ko noong panahon ng Hapon napilitan ang lahat humanap ng ganoong pagkakataon. Kailangan ng imahinasyon. Kaya lang ang gagawin mo ba ay makatao or kahayupan?
Ang tugon ko sa tanong ni Joma kung saan na punta ang pera na naglaho sa krisis pinansyal. Nagpunta ito sa mga executive na nag-cash in bago lumubog ang mga kompanya.
Noong nagsakabilang buhay si Ken Lay ng ENRON, seriosong gustong makita ng mga nilokong stockholders kung si Lay nga ay nasa ataol bago ito nilibing sa lupa!
Ito ay tapat sa idea ng kapitalismo. Hindi na kailangan makita ang pisikal na resulta ng pagbagsak ng kapitalismo. Sa pagbagsak ng sosyalismo may consuelo tayo. Ang monumento ng sosyalismo sa Russia at GDR ay nandoon pa!
Excellent content and style…keep up the good work!
Joma, Salamat May isang libro akong nabasa dati at ang tawag sa ekonomiya natin ay ang Great Expectation machine.
Hindi rin ako ekonomista pero sa pagkaintindi ka ang pera sa isang negosyo malaki man o maliit ay nawawala dahil 1) Ito ay nanakaw at 2) Ito ay na mis-managed – hindi inalagaan nh mabuti – maling invest o di kaya masyado malaki ang expenses – sa gastos o minsan sa pasuweldo sa ibang tao.
Minsan pareho o minsan isa lang a nasabi o iba pa. Depende sa sitwasyon.
Maraming bangko o financial institusyon ang nalugi at bumagsak dahil marami sa mga pinautang nila ay hindi nakakabayad. Isa kasi iton paraan para kumita ang mga Bangko ang credit o mag pautang ng pera. Maganda yan kung may nag-babayad pero kung hindi – lugi. Sa Amerika malugi sila sa real estate.Masyado silang maluwag sa pag-utang at lumalabas malaki rin magpasuweldo sa mga officers nila na my mataas na paycheck kahit nalugi sila ng taon na iyon.
Yun ang naiitindo ko.
Blackshama, Saan kukunin ang pera sa suweldo ng mga kawani ng gobierno? Di ba sa buwis? At sino ang nagbigigay ng pera sa buwis na ito?
Ang kawalan ng trabaho ay may epekto din sa buwis at sa pagpapasuweldo ng mga kawani ng gobierno. Apektado din ang mga kawani na walang tenure.
Sa tingin mo pag bumaba na ang no-kolektang buwis, saan magtitipid?
Lahat aapektado.
Joma,
Ganyan din ang tanong ko,pano mangyari na buong mundo ang maghihirap,syempre may yumayaman din.Ganyan din, saan napunta ang losses??? ang daming explanation pareho pa din ang tanong ko,dahil sigurado ako pag nasolve na ito sandali lang meron na namang panibagong problema.
sa history books na yata mababsa ang sagot pag matagal na tayong wala sa mundo.
Hi Karl,
Thanks for recognising the essence of my question. Sana meron makadagdag pa ng kanyang kasagutan.
I imagine the earth as a close system. Kung kinuha ng mga Martian ang yaman (capital) natin, then it is expected na nabawasan tayo.
In the case of Financial crisis, like in 1997 (not 94 as I wrote up), capital went out of Southeast Asia, but there was no proof that a Martian took it.
Lets wait muna.
nalimutang ko ang buong kwento ng ant and the grasshopper kaya binasa ko na.
Nung summer ang langgam ay nagipon ng makakain, ang tipaklong kanta lng ng kanta.
siguro ang ibang makapansin nito maaalala na may survey dati na pinoy daw ang pinakamasaya sa buong mundo.
Sabihin natin,na tutuo ito, at masayahin tayo at tinatawanan natin ang ating mga problema. di naman ito pwedeng iahintulad sa tipaklong na wala na lang ginawa kundi palipasin ang oras sa pagkanta at wala ng gawin kundi ito.
Ang mga kano ay nag mistulang mga langgam,nagpakakuba sa pagtrabaho at ininvest ang retirement funds na nadawit din sa gulong pamfinancial na ito.(kailimutan muna natin ang opinyon ng dalubhasa na ang dahilan ng subprime ay ang mga no job/no income na amerikano) ginawa nila ang halimbawa ng mga langgam,nagtrabaho at nagipon, pero napunta din sa wala.
Di ko pinagugulo ang storya,JunEd,napansin ko lang.
mabalik tayo sa ekonomiya,na kahit di tayo ekonomista di ibig sabihin na pabayaan na natin ang mga ekonomista mamroblema.
Dati akala ko lahat sumusunod sa presyo ng langis.
Ngayon napatunayan ng law of supply and demand na hindi pala parating nasa presyo ng langis binabase.
ngayon dahil wala ng masyado nagkokotse,mapapatunayan ito ng pagkalugi ng big three,bumababa ang presyo ng langis.
Bumaba nga ang presyo ng langis bumaba ba ang presyo ng mga bilihin???
Ang mga stimulus packages ay para pampaandar ng ekonomiya, ang mga pautang ay para sa ganitong bagay din.
Puntahan natin ang agrikultura sa pilipnas.
Ilang dekada na sinasabi na walang nagpapautang na bangko sa ating mga magsasaka,pero malalaman mo na lubog pa din ito sa utang dahil maraming paraan para makautang tulad ng five six,etc.
Nauso ang microlending for microbusinesses,wala din ito magandang naidulot dahil sa ang microlending naging ningas kogon lang dahil ginagamit lang na pambayad sa ibang utang ang mg inutang dito.
ganyan din sa credit card puro balance transfers.
salamat, yun lang .
OO nga Joma, No proof that the Martians took it.(I like that!)
abangan na lang natin next year ang X files d movie part two.
Paano nawala ang wala naman talaga?
Ang nangyari ay ilusyon. Dapat dito ang kuwento ay ang Damit ng Emperador.
Ang ipinakitang mga kayamanan ng mga malalaking kumpanya ay wala naman talaga.
Let me illustrate:
Ang mga bahay at lupa ay binigyan ng halaga na hindi naman talaga ito ang tunay na halaga.
Dahil sa bidding na gawa-gawa rin ng mga real estate agents, ang bahay na nagkakahalaga ng 200,000 ay umaabot sa doble ng presyo nito halimbawa ay 400,000.
Sa 400,000, ang tunay ay 200,000 , ang additional na 200,000 ay value na ilusyon.
Ito ang value na inilagay ng bangko sa kanilang balance sheet nang bigyan nila ng loan ang applicant sa mortgage.
Bakit naman bibili ang mga tao ng malaking presyong bahay?
1. Ang gobyerno ay nagbigay ng oportunidad para sa mga first time-buyers sa pamamagitan ng zero down payment .
2. ang interest na ibinigay ay napakababa para sa unang tatlong taon at hindi alam ng karamihan na tataas ito nang napakataas at kung alam nila ito ay di nila masyadong pinansin dahil sa lasing silang makakuha ng bahay sa anumang paraan.
3. ang isang magandang attraction ay interest payment only.
So paano naapektuhan ang ekonomiya, ang Wall Street at ang banko sa ibang bansa?
Ang mga banko na gusting mabawi nila ang mga pinautang nila ay ipinabibili nila ang mga mortgage na ito sa malalaking investment houses/banks
Ang mga mortgage bonds na ito ay binatch ng malalaking investment banks and houses (HOW FANNIE IS IT? ) at ipi nagbili nila sa mga iba’t ibang banko sa ibang bansa at mga pension managers kung saan sila kikita ng interest sa mga investments na ito.
Pati ang guarantee na ito ay safe investments ay ipinagbili rin nila. Utak talaga.
Anong nangyari.
Abangan sa susunod kong comment dahil hindi pumapasok pag mahaba.
Part 2
Balik tayo sa overpriced na example na 400,000.
Ito ang halaga na nasa balance sheet ng banko. Ito ang halaga na pumasok sa investment /house na may patong na para sa kanilang tubo. Ang halagang may patong na tubo ang nasa balance sheet naman ng mga bankong bumili ng mga investment instruments na ito sa ibang bansa. . Kaya pasa-pasa ang ilusyon na 200,000.
Okay sana kung hindi pumutok ang gawang masama.
PAti ang mga illegal at walang kakayahang magbayad ay nakakuha ng mga bahay at lupa. Take a bow. Pasalamatan ang mga ganid na linta na nag-ayos ng mga bank loans at nag-appraise ng mga value ng properties.
Tatlong taong nakalipas, ang interest ay tumaas, ang mga amortization ay nagsimula na kasama ang principal payment at interest. Ang mga walang kakayahang magbayad ay hindi na makabayad. Ang mga kinita nilang equity pagtaas ng property nila ay ginamit nila sa pagbayad ng mga credit card o kaya pagbili ng bagong kotse.
Hindi na sila makabayad. Nagpanic na ang banko dahil kahit naipagbili na nila ang mga mortgage, sila pa rin ang nangongolekta.
Ang mga CEOs ay alam na ang mangyayari kaya nagencash na sila ng stock options nila kahit inantidate nila bago pumutok ang iskandalo.
Bakit stock options ang kanilang tinatanggap?
1. Ang stock options ay incentive para sa mga CEOs para magdala ng malaking kita sa kumpanya. Mas mataas ang kita, mas malaki ang stock options at kung malaki ang kita , malaki ang value ng stock options. Sinong hindi ganid na CEO ang hindi gagawin ang lahat para makuha ang pinakamataas na halaga ng kanilang stock options.
2. Ang income tax sa encashment ng stock options ay mababa 15 percent, the most hindi kagaya ng income tax on salaries na depende sa bracket. Mas malaki ang suweldo, mas malaki ang tax kagaya ng 40 per cent.
Bakit alam nilang puputok na ang iskandalo?
Part 3
Ang Securities and Exchange Commission ang nagpapairal ng Generally Accepted Accounting Principles sa presentasyon mg mga financial statements ng mga korporasyon lalo na ang mga nagbebenta ng stocks sa Wall Street.
Isa sa mga principle ay ang presentasyon ng ari-arian ( assets) at their fair market value at hindi doon sa panahon na nakuha nila yong mga properties.
Kaya patay bata sila. Ang 400, 000 ngayon ay kailangang ipresent sa tunay halaga na bibilhin ng isang interesadong bumili. Kaya ito ay hindi na 400,000. Bawas na ng ilusyon. May nawala bang tunay na halaga. Wala. Ang nabawasan ay ang ilusyon sa yaman.
Ang mga malalaking investment houses/banks ay napilitang sumunod. Dahil ang kanilang investment sa mga mortgage bond instruments ay bulilyaso, pati tubo nila ay apektado. Dahil sa kailangang ilagay nila sa balance sheet ito, ang kanilang assets ay bumagsak…ang presyo ng kanilang sharesof stock sa stock market ay bumagsak. Natakot ang mga investors. Huminto sila nang pagbili kasi ang mga stocks nila ay bagsak. Kahit anong ngawngaw ( encouragement ni Buffet na it is time to invest) walang maniwala dahil mismo ang investment guru ay nawalang ng billion sa kaniyang investments. Mandadamay pa siya?
I n the meantime ang mga CEOs na naisafety na nila ang stock options nila at walang US law ang magpipigil sa kumpaniya na bigyan sila ng separation pay according sa employment contract nila ay kumuha ng mga lobbyists para sa bailout.
Lalong nagulo ang WallStreet. Lalong hindi naglabas ng pera ang mga tao para bumili ng stocks. Ang mga kumpaniya na nakadepende sa Wall Street para sa kanilang capitalization ay apektado. Karamihan nagbawas ng empleyado. Ang empleyado na nawalan ng trabaho ay nagtipid at hindi bumili mg producto. Ang mga nagmamanufacture ng producto ay naapektuhan. Nagbawas din ng mga trabahador.
Ibinigay ang bailout. Nabalita na ang mga officers ng mga AIG at Fannie Mae at pumunta sa mga resort spas. MAsyado silang nastress. Kailangan nilang magpahinga para maisip ulit ang strategies para ang gobyerno ang magahon sa kanila. Hahaha isn’t that FANNIE?
Ang mga banko naman na ang kita lamang ay sa mga maliliit na interest ay bumgsak dahil nilamon ang kanilang kakapurit na kita ng kanilang losses sa real estate business. Kahit finorclose nila ang mga bahay, hindi naman nila maipagbili. Maipagbili man nila ay bagsak presyo pa rin.
Yan ang nakakaiyak na istorya ng recession sa Amerika.
(US financial crisis) puede mag bisaya? kung ang kwarta gikan sa hangin, molopad ug dili na gyud mobalik. :)
Juned
Matagal na tayong nagbabayad ng retrogressive taxation. Ang buwis ay talagang para sa idea na unang pinahiwatig sa Ingalatera ang “commonweal”. Kasama dito ang mga kawani ng pamahalaan.
Maari mo bang ipakilala ang mga kaibigan mo an nawalan ng trabaho? Baka ma-link ko sila sa mga proyekto sa agham na WALANG makuhang mga applikante! Hwag lamang sila maging pihikan sa uri ng trabaho at sa sweldo. At dahil sa public sector mangagaling ang pondo, mababa man ang kita, mas malaki ang job security dito.
Oo nga pala ang metapora na ginamit mo sa pagsasalarawan ng krisis ay di kumpletong akma. Sabi nga ni Ca’t parang langgam ang mga nagipon at nawala ang pinagipunan.
Ang lipunan ng mga langgam ay maiihambing sa isang sistemang sosyalista. Ang ipon ay para sa punso at di sa indibidwal. Hindi pwedeng mawala ito nang di mamamtay ang buong kolonya kasama na ang reyna!
Siyempre, ganito pananaw ko dahil siyentipiko ako!
Minsan naisip ko kung pwedeng guyamin ang mga gumawa ng krisis na ‘to.
Leytenian:
Pwede kang magbisaya dong! Lahat ng wika sa Pilipinas ay kailangan i-promote.
Joma:
Yung martians argument mo ay argumento din ng yumaong Michael Crichton tungkol sa global warming!:-)
Blackshama,
Hinde ko kilala si M Crichton, much more Im not sure kung argument ang Martian example. I used it to further give picture dun sa nawawalang yaman dahil sa recession.
Of course, I like to hear from you kung ano ang paliwanag; saan napunta ang nawawalang (asset, capital, yaman)?
Ca_t, Im still trying to understand yung sinulat mo. Hinde madaling intindihin dahil nga sa kawalan ko ng kaalaman sa investment world.
sorry blackshama, i am so an “inday” :)
Hi Karl, Yung langgam at ang tipaklong ang ibig sabihin lang sa sinulat ko – ay simple lang wag magastos at magtabi ng pera. Panahon na ng pag-hirap.:)
Hi Cat, maraming salamat sa explanation. Wala na akong madagdag doon. Maliban sa pala-isip na pera na kinita sa trabaho napedosito sa bangko or nilagay sa stock nawala dahil sa na mis-managed ang pag invest ng pera at/o di kaya nawaldas sa mga hindi kinakailangan na gastos o sa corruption. Sana tama intindi ko.
Nalugi ang banko, dahil hindi sa makakolekta sa mga pinautang nila.ang corruption doon o fraud na sinaabi sa pribado ay ang pagtutulong-tulong ng real estate agent, loan processor at appraiser para lang makabentan ng bahay na overpriced.
kung hindi man overpriced ay naipagbili naman sa mga taong walang ability magbayad, Ang corruption doon ay ang paggawa ng paraan na mapalabas na sila ay may kakayahang magbayad kahit wala.
Akala ninyo sa Pilipinas lang nagkakaroon ng hocus pocus?
ang deposito ng mga tao ay protektado ng FDIC pero may limit lang . Kagaya ng sa US, kung may deposito kang 300,000 at ang maximun insured deposit ay 250,000 nawalan ka ng 50,000.
Sa kaso ng mga investment houses kagaya ng Fannie Mae na kilalang matatag, masasabi mo bang ang stock investment mo na inilagay doon ay namismanaged ng iyong stock broker na naloko rin dahil sa CREATIVE ACCOUNTING na ginawa ng mga sikat na investment houses?
Saang corruption ba ang itinatanong mo?
Blackshama,
Hindi naman ang taxation ang problema. Ika nga nila “Death and Taxes are the things constant in life”. Pero dahil sa pagkonti ng kumikita ehh kokonti din ang ma-kokolekta.
Sana nga hindi kayo maapektuhan.
Malamang matutuwa ang lahat sa sinabi mo pero siguro mabuti kung ipost mo dito ang mga job opportunities na iyon, O di kaya mas mabuti yung totoong pangalan mo at email ang i-post mo.
Pero sana nga hindi ma-apektuhan ang buwis na magpopondo sa inyo at sana nga hindi rin ma-aapektuhan ang pagkakulang ng buwis ang mga grant na natatangap niyo sa mga proyekto niyo.
Sana nga
Mahal na Blackshama ang Langgam at ang tipaklong ay ginamit ko lang para maalala sa panahon ng pagkagipit ay kailangan maging tipid at masipag. At wala na po akong intensiyon ipaghawig ang social structure ng Ant, Termite o kahit na Bee community sa lipunan o sa community.
Ika nga its time of crisis at gagawin natin ang lahat na mararapat. Sayangtist este siyantist man o hindi .
Cat, Yun at iba pa -pero yung iba hindi ko sigurado kung matatawag na corruption – tulad ng mga perks ng mga executives at golden parachutes kahit nalugi ang kompanya.
Mahabang paliwanagan yan. Ang masasabi ko lang ay may mg taong dahil sa credibility ay pwede silang dimampot ng yagit, sabihin nilang ito ay nagkakahalaga ng isang milyon at may kasama pag garantiya, hindi ka ba bibili?
Kapag nalaman mo na wala pa lang halaga, at ginamit lang para itago ang matagal na nilang pagkakalugi dahil sa mga maling decisions, saan napunta ang perang tinanggap.
Para maunawaan mo ito isang semesre tayong magtuturuan ng Stock Accounting kung saan mo makikita na paano nila binibigyan ng presyo sa market ang isang share of stock. Kagaya ng watered stock, penny stocks, stock options, stock rights, stock dividends. preferred dividends, earnings per share at marami pang iba.
marami sa billionaire natin ay mga paper profit billionaire lang.
Example.
si Bill gates na may hawak na 50 billion shares of stock na nagkakahalaga ng 1 dollar each o kaya 50 billion dollar ang halaga.
Bagsak ang stock market, bagsak ang value ng stock, naging 75 cents na lang. Pagkuwenta ng kaniyang yaman ay hindi na 50 billion kung hindi 35 billion. may nawala ba siyang pera? wala. hangganhg hindi niya ipinagbili ang stocks na yon at ginawang pera, ang yaman niya ay nasa papel lang.
Ca_t,
Salamat sa tyaga mo. I will accept na isang semestre ang kailangan para ipaliwanag (and yet di ko maipapangako na mauunawaan ko).
Ako’s nagtatanong para sa kaalaman. Kung ang isang bagay na yagit na undervalued at may kasama pang garantiya ng kilala, then for sure, admittedly mapapabili ako.
If that is the case, ang mga investment ng mga katulad ko ang mawawala if in the end something was found to be fraud or mismanage. Kung magkakaroon ng recession, then mawawalan ng value ang mga properties na nabili namin. Who now benefit from this situation? Who is now the Martian who took the cookie in the jar? Where did the money that I (and my likes) invested (purchase) went?
I know, mahirap paliwanagan ang isang tulad ko dahil nga sa hinde ko makita ang overall picture, but still… pagtyagaan mo lang ako.
Joma
Equity is Current Value minus Purchase price. ( in this example).
To convert equity to Cash, an asset must be used for collateral. At that time of the boom, the banks have money to lend to people. This money ( refer to Google search key words below) are coming from investors from all over the world.
example:2005, Joma bought a house worth $300,000 with 100% financing or no money down. Joma is charge at 6%. After 9 months , the home was valued at $ 350,000 . Joma took the 50,000 equity of his home in the form of Line of Credit and using his home as collateral. Joma bought a new BMW and he thought he was rich :) Well everybody was doing it. Joma bought 2 more homes , one is valued at $250,000 and the other is $350,000. Joma did not put any money down. It was allowed at that time. ( Phil Gramm Deregulation Policy)
The cycle continue… Joma accumulated 6 homes.
When the bubble burst late 2007, many homes were valued below 30%. Joma couldn’t sell nor take out cash from his investment. His home investments became an illiquid assets in 2008. Joma now suffered liquidity or cash flow problem. Then his tenants lose their jobs and couldn’t pay the rent. Joma cannot afford to pay all mortgages. He then foreclosed all his homes.
To understand the bigger picture, understand these:
Mortgage Back Securities
continue and find part 2 in youtube
Collateralized Debt Obligations
Credit Default Swaps
continue CDS with part 2. Then think about the world and all the banks.
As Junid said, nandito na ang bagyo. what are we going to do?
bakit ang mahal parin ang pamasahe,na bumaba na naman ang langis?saan ba napunta nag buwis?ano ba yan!patalsikin na si gloria!
kahit hindi tayo ekonomista alam natin na bumababa na ang ekonomiya…bakit nga ba?hehehe!ngano d.i?
f you want to have some info.just email me…
mistakentucker@yahoo.com…see yah!!!
muahx!
guys find ouT bakit hindi napatalsik si gloria?
gaano ba siya kapangyarihan?
kapal naman nya!totoo naman lahat ng sinabi ni JVC!thats true i know that!
IM NOT LIKE YOU OKIE SURRY
Hindi lahat ng balita ay masama, palaging may oportunidad o sa wikang Ingles “a silver lining”
Nais kong ipahiwatig sa mga kapwa kawani ko sa serbisyo sibil na sila ang pinakamaswerteng empleyado ngayon.
Hindi sila masisisante kahit na may krisis, bagkus sila may mabibigyan ng dobleng pagtaas sa kanilang sweldo. Marahil maiipapasa ng Kongreso ang panukalang pagsasaayos sa Salary Standardization Law. Ito ay salop ng mga boto sa susunod na halalan.
Ngunit sa akademya ang epekto ng krisis ay makikita na. Sa Unibersidad ng Pilipinas, mababatid na ito sa pagtigil sa pagempleyo ng mga bagong guro. Ang pera sa pananalikisik ay mababawasan ang resulta ay mawawalan ng trabaho ang mga researchers dahil matitigil ang mga proyekto.
Nahirapan ako hanapan ng sweldo ang aking research staff para sa susunod na taon. Ang dahilan ay nangalahati ang salapi na inilaan para sa pananaliksik sa 2009. Kailangan mag re-align ang DOST at iba pang organisasyon na tumutugon sa pananaliksik.
Sa pribadong mga kolehiyo at uniberisadad marami sa mga kontraktwal na guro ay di mabigbigyan ng appointment sa susunod na taong pangakademya. Inaasahan na bababa ang enrolment sa susunod na taon. Ang consuelo de bobo ay sa Abril pa sila mawawalan ng trabaho.
Ano nga ba ang maaring gawin?
Sa madaling panahon, kung may naipon ang dating empleyado, pwede siyang magaral muli. Tumaas ang bilang ng mga magaaral na gradwado sa UP ngayong semester na ito. Ngunit may cost din ang pagaaral. Ang sabi ko nga sa mga graduate students ay baka mas makakabuti kung nag-enrol na lamang sila sa isang short course na magbibigay sa kanila ng kakayahan na pwedeng pagkakaitaan kaagad. Ang pagkuha ng masters degree ay kailangan pagugulan ng panahon at dahil mataas na ang matrikula, baka talo ang magaaral.
Kailangan hanapin ang oportunidad ngayon sa krisis. Madaling makita ang oportunidad. Sabi nga ng lolo ko noong panahon ng Hapon napilitan ang lahat humanap ng ganoong pagkakataon. Kailangan ng imahinasyon. Kaya lang ang gagawin mo ba ay makatao or kahayupan?
Ang tugon ko sa tanong ni Joma kung saan na punta ang pera na naglaho sa krisis pinansyal. Nagpunta ito sa mga executive na nag-cash in bago lumubog ang mga kompanya.
Noong nagsakabilang buhay si Ken Lay ng ENRON, seriosong gustong makita ng mga nilokong stockholders kung si Lay nga ay nasa ataol bago ito nilibing sa lupa!
Ito ay tapat sa idea ng kapitalismo. Hindi na kailangan makita ang pisikal na resulta ng pagbagsak ng kapitalismo. Sa pagbagsak ng sosyalismo may consuelo tayo. Ang monumento ng sosyalismo sa Russia at GDR ay nandoon pa!
Reply