Walang batas na nagbabawal kay Ginang Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbong kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga. Kung nais niyang sundin ang kanyang kahibangan, walang tuldok sa Saligang Batas na maaring gamitin para siya pagbawalan.
Ngunit, ang usaping ito ay hindi usaping ligal kundi ito’y usaping may kinalaman sa moralidad o sa kastila’y tinatawag na delikadesa. Para sa isang Assumptinista at dating propesor, inaasahan ng taumbayan na isasabuhay ni Ginang Arroyo ang kanyang mga napag-aralan, lalo na higit sa etika. Bigo tayong maipamukha ito kay Ginang Arroyo. Sa buong siyam na taon niya sa panunungkulan, ito ang naging klasikong kalikasan o karakter ng kanyang pamunuan—ang gamitin ang mga kalayaang nasasaad sa Saligang Batas upang makapagbuo ng isang Konstitusyunal na Diktadurya.
Kahibangan para sa karamihan na ibaba mo ang dangal ng Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas para lamang sa ambisyong maging unang Punong Ministro. Wala marahil sa kaisipan ni Ginang Arroyo na ang Tanggapan ng Pangulo ay higit anupaman, isang institusyong ang nagmamay-ari ay ang taumbayan, hindi isang tao o pamilya.
Para kay Ginang Arroyo, sampu ng kanyang pamilya, behikulo lamang sa kapangyarihan ang Tanggapan ng Pangulo; kaya naman, handa silang alipustahin ito at yurakan sapagkat sa pananaw nila, ang Tanggapang ito ay isang pag-aari na ginagamit upang magkaroon lamang ng tanda o semblance ng pagiging lehitimo ang kanilang mga gawaing iligal at pangangamkam ng kapangyarihan.
Sa siyam na taong kahibangan, nadumihan ng katakut-takot ang institusyon ng Tanggapan ng Pangulo na sa yugtong ito, mahihirapan ang susunod na Pangulong maitayong muli ang tiwala ng taumbayan sa panguluhan. Sa pag-hamak at pag-alipusta ni Ginang Arroyo sa Tanggapang ito na kanyang kinamkam sa pamamagitan ng iligal na pamamaraan at paggamit ng puwersa, asahan na ang kawalang galang dahilan na rin sa hangaring magsubersibo sa mismong Institusyong kanyang ginamit bilang baluarte ng kanyang opisyal na mafia.
Higit anupaman, ang pagsasampa ng Ginang Arroyo ng kanyang kandidatura ay isang palatandaan, isang simbolikong aksyon ng kanyang direktang pagbalewala sa institusyong ito. Isang palatandaang nangangahulugan ng paglipat niya, sampu ng kanyang mga alipores, sa sistemang pampanguluhan tungo sa parlamentaryo’t Punong Ministro.
Kung gayon man ang balakin, ito ay isang kahibangang nararapat sugpuin ng taumbayan.
Ito rin ang tanda na ang piniling landas ni Ginang Arroyo ay landas na pinili ng kanyang mga malalapit na kaibigan, isang landasing tinatawag nating warlordismo. Warlord na matatawag si Ginang Arroyo sapagkat ginagamitan niya ng lakas o puwersa ang taumbayan at gumagalaw sa ilalim ng mga kalayaang dulot ng demokrasya.
Isang mensaheng nais kong iparating kay Ginang Arroyo–malupit ang Kasaysayan sa mga taong kauri ninyo.
Isang araling nais kong ipamukha kay Ginang Arroyo—kung ang lengguwaheng alam mo ay lengguwaheng kanto at ipagpapatuloy ninyo ang inyong kahibangan, makipot ang daigdig sa mga tulad ninyo. Isa lamang ang batas ng kalikasan para sa mga kauri ninyo—ang mga taong nabubuhay sa kasakiman, ay mamamatay na sabog ang bundat na sikmura.
Popularity: 1% [?]
The 1987 Constitution recognizes as super-warlord the president of the Philippines who has command of the Military and the Police, and who also has de facto control of pork barrel. Pinas president (despite cocoy’s nightmares about Congresswoman GMA) is designed by the 1987 Constitution to be stronger than any senator, congresswoman, governor or mayor.
What can undo a sitting president is an Andres Bonifacio — a leader of the people. Or impeachment.
—————–
PS: The next Pinas Constitution should have a section that requires a retiring president to live in Spain or Australia for the four years after he/she leaves office. Just think how Pinas would have progressed if Cory had been exiled (or Tabako, or Erap) immediately after they left office.
hahaha.that’s a good suggestion.
In the U.S., when Slavery was legal. They kidnapped Africans in West
Africa as slaves. To work in Southern American States Plantations. Slaves were considered work animals. They cannot get out from their situations because of the color of their skins. In NAZI Germany; the government persecuted and mass murdered Jews, other minorities, political opponents, disabled people, etc… These were legal during the times. If you look at the two events in human history. They were legal. However, it does not mean they are right.
If Gloria Arroyo and her administration would like this hold on power
legacy to leave for future Filipino generations. They will be remembered by it. DO WHAT IS RIGHT. NOT WHAT IS LEGAL.
Does Arroyo understand equal protection of the law or equal opportunity?
She is chief executive with the power of appointment and removal; head of state, head of the government; director of the national budget, including the pork barrel,and commander-in-chief of the Armed Forces, will be running against someone…
It’s not only about morale but the question of “equal opportunity”. She is monopolizing the weaknesses of her own people. Here people then are not free but abused.
Whom the Gods want to destroy. They make them Mad. Gloria Arroyo is
mad with Power. She must remember leaders in history, who were
mad with power. They did not had good and peaceful endings. Patience
is there. But, there is limit to patience of people. Czar Nicolas II
of Russia was an autocrat. His army turned against him. The rest is
history. Same as the Shah of Iran. The Shah had even a feared inteligence agency, licensed to kill. Yet, he was deposed.
People who are with you. Will be the first to turn against you. If
they find your ship is sinking. Marcos was like that during his fall.
Let go of the power. People will be kinder to you. If you show
them your statemanship.
Hindi rin ilegal umutot sa loob ng full packed elebeytor. O kaya mangulangot sabay pahid sa dinding, habang lahat nakatingin.
The BEST Leader
“President Gloria is the best leader our country has ever had and I thank God that I was born the son of Gloria Macapagal Arroyo.” Mikey
As far as Mikey is concerned, he can go have an inappropriate sexual relation with himself.
There goes the Kurakot lover…
Hey, how did Mikey Arroyo get his house in California? The money he use to buy the house came from my taxes. It is the best time for him and his family. Since they stole and feasted on our public funds. There will be a day of reckoning for all of them! Like all good times. They dont last!
as per the titel of the post “Arroyo bilang Warlord at kahibangang Dapat Nang Sugpuin”
Paraan kung paano sugpuin:
1) Ibasura ang computerization ng botohan – sigurado yan…planted na ang bilang ng boto sa line up ng Palaka Party mula Presidente hanggang Janitor.
2) Huwag iboto ang lahat ng Kandidato na nagmula sa PALAKA Party ni ARROYO
3) I campaign sa buong Pilipinas at buong mundo na wag iboto ang PALAKA Party NI ARROYO.
4) Dapat Ilista lahat ang PALAKA party candidates, at sabihin sa mga botante na wag iboto silang lahat.
ang daming paaran…pwede din mag-rally at isigaw na huwag iboto ang PArtido ng LAkas KAmpi (PALAKA) party candidates…
so simulan na natin ngayon na.
(date unknown)
Dear Mikey Arroyo,
I’m sure your mother is very proud of you. You remind me of my own sons, and I am very proud of them as well. May we all get together in the future (with the liquor of your choice) when the world decides our time is up.
Signed,
Saddam Hussein
Sa isang walanghiya, walang moralidad.
Parang nakikita ko ang mga sinabi ni Balagtas:
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi
kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
“Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong,
balang magagaling ay ibinabaon,
at inililibing na walang kabaong.
“Nguni ay ang lilo’t masasamang loob
sa trono ng puri ay iniluluklok,
at sa balang sukab na may asal hayop
mabangong incienso ang isinusuob.
“Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo
at ang kabaita’y kimi’t nakayuko,
santong katuwira’y lugami at hapo
ang luha na lamang ang pinatutulo.
“At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan. ng kalis
ng lalong dustang kamatayan. “