If you intresting in sport buy steroids you find place where you can find information about steroids

Bakit hinahayaang masayang ang pondo para sa EDUKASYON?

Kagabi ipinalabas sa Bandila ang mga kababalaghang nagaganap sa milyun milyong pondo ng Dept. Ed.

Nakababahala kung paano nasayang ang mga milyong milyong pondo ng Department of Education na dapat ilagak ng tama para masuportahan ang pangangailangang edukasyon ng bansa.

(video below)

Popularity: 2% [?]

Comments

  1. Ang pondo para sa edukasyon noong 2007 ay humigit kumulang 160 bilyung piso. Para sa akin, sayang ang buong halaga nito sapagkat yun ang tunay na dahilan na mahal ang mga private school, ngunit wala namang kwenta ang mga public schools. Dapat lisanin na ng pamahalaan ang larangan ng edukasyon. Sayang lang ang limpak limpak na kwarta mula sa kaban ng bayan.

    Hindi kakulangan ng pondo ang suliranin ng edukasyon. Kundi ang labis na panghihimasok ng pamahalaan sa hindi dapat pasukan ng mga burukrata. Lalo na, halos nobenta por ciento (90%) ng pondong ito ay napupunta sa sahod, at hindi sa mga bata at paaralang walang silid, upuan, computer o libro.

    Basag na plaka na ang himig ng mga hingi ng hingi ng pondo para sa isang dambuhalang kabiguan. Dapat buwagin na ang public school system. Hayaan na lang ang mga pribadong sektor na gumawa nito.

  2. Kahil ang katotohanan hindi edukasyon ang prayoridad ng mga namumuno sa ating bansa kungdi kung paanong gawing bansa ng mga mangagawang sagigilid ang mga pPilipino dahil doon kumikita ang bansa.

    Dahil sa tingin ng kasalukuyang namumuno sa bansa ang edukasyong bukas sa lahat ang magmumulat sa mga isip ng mga mamamayan na hindi na sila papayag sa mga pangaalipusta at pagbabalewala sa totoong mahalagang tustusan sa bansa.

    Totoong kailangan ng imprastraktura, seguridad at kung anu pa man sa bansa. Ngunit ang edukasyon parin ang mahalaga dahil kung lahat edukado hindi na maghihirap ang bansa dahil lahat magiisip kung paanong umunlad at hindi lang umasa sa mga maliliit na “abuloy” para sa mahihirap para lang panandaliang patigilin ang pagkalam ng kanilang mga sikmura.

    Kumbaga ala ng freeloaders at ang mga ganid di na makakapront ng kumportable kasi lahat marunong magmasid at kumikilos at hindi ipagkibit balikat nalang ang mga kasamaan nagaganap sa bansa dahil may mas mahalaga silang intindihin, iyon ay kung paano na naman at saan sila kukuha ng kakainin bukas.

  3. Karl Garcia says:

    Para sa akin mabuti ang nagyayri sa pagbili ng mga tycoon ng ibat ibang university,maaring di pa agad makikita ang resulta pero balang araw ay magbubunga rin.

    pero dahil ang mga tycoon ay may kanyakanyang core buisness kulang pa ang kanilang kontribusyon sa edukasyon,kaya dapat muna hayaan ang mga public school na mantili.

    siguro di pa ngayon pero siguro nga isapribado na alng ang edukasyon pag dating ng panahon.

    madaming sabit pag hawak ng gobyerno tulad ng mga text book scam, computer o mga ibang gamit na di napapakinabangan.Mapunta tayo sa computer, mabilis itong maging obsolte sa usad pagong ng release ng pondo,wala ng silbi ito pag na deliver na.

  4. Eh, 160 bilyong piso nga ang ginastos noong 2007, ano ba talaga ang nakamtan? Taon taon sinusunog ang dambuhalang budget na ito sa altar ng unyon ng mga teacher dahil 90% nito ay sa kanila napupunta, at sa mga Loan Shark na matagal ng garapata sa kanilang mga paycheck. Hindi naman edukasyon ang gawaing ng Deped/Ched, kundi livelihood ng pinakamalaking labor union sa buong bansa, ang kalahating milyong lakas ng mga public school teacher at burukrata sa Pasig, kalahati ng milyong taong binabalikat ng mamamyang Pilipino bilang pamahalaang walang silbi.

    Tapos hiyaw ng iba, bigyan pa sila ng pondo!

    Walang alipin kung walang tanga.

    Kaya mahal ang tunay na edukasyon dahit sa pekeng edukasyon ng public schools, na ang kanyang pagka tuition free ay ang ating consuelo de bobo.

  5. BrianB says:

    DJB,

    Hindi ba nasa konstitusyon yan na dapat may libreng edukasyon. Siguro sa Maynila walang kwenta ang public education pero sa amin sa probinsya ang top three na iskwelahan ay puro public schools.

    Ang sagot sa tanong. Maliban sa pamilyar na sagot – kurapsyon – siguro hindi masyadong dinaramdam ng gobyerno ang nasasayang na pera na dapat sana sa mga bata dahil mas gugustuhin nang ruling class na panatiliing bobo ang masa, mas madali buhay nila sa ganitong sitwasyon.

  6. BrianB says:

    Baka kailangan may mabuting pag-aaral para naman may pruweba talaga na walang kwenta ang free public education, di puro haka-haka lang. Elementary ko sa laboratory school, publicly funded yun at libre. High school ko walang kompetensya sa private schools, tanging UP HS lamang. Number one palagi sa NCEE hangang dumating ang Philippine Science sa amin.

    At isipin natin na kulang pa rin ang mga magagaling na teachers. Kung buwagin ang free public education at papalitan nang private schools marahil mga cheap na private schools pa rin at kukunin pa rin yung mga di masyadong magaling na mga titsers galing sa public school.

    Kung ang mga public schools dito sa Maynila, sa tingin nyo, ay puro sub-standard, wag nyo namang lahatin ang boong pilipinas. Hindi naman gaanong malaki ang sweldo ng mga titsers sa private schools sa amin, ang iba pa nga eh mas maliit sa sweldo ng public school teachers at wala pang GSIS.

  7. Flow Galindez Flow says:

    Sa panahong ito nagpatupad na ng imbestigasyon ang Dept Ed sa natuklasan ng Kamara sa issue ng paglulustay ng milyong milyong pondo ng nasabing ahensya ng gobyerno. Ang sa wari ko lang sana walang takipang maganap sa bagay na ito. Asan ba ang ombudsman sa panahong kailangan natin ng pagpapaliwanag sa mga anomalya sa gobyerno.

  8. rizabelle says:

    its hard to be a teacher, so it is very important to have a good education for the future of our nation

  9. Kung halimbawa biglang nawala ang Deped, bigla bang kakalimutan na lang ng mga magulang ang pagaaral ng kanilang mga bata. Imposible naman. At maraming mga guro ngayong alipin ng Comelec at Deped ay biglang magsisimula ng mga paaralan o sasanib sa damihang bagong itatayo ng mga Hesuita, La Salle Brothers at mga madre. Halo halo sana ang ating edukasyon kung wala lang ang buwisit na public schools na panggulo lang. Kunwa’y libreng aral, wala naman kundi ang pagpondo ng mga eleksyon!

  10. Flow Galindez Flow says:

    para sa akin hindi issue dito ang public o private ang dapat humawak sa edukasyon, ok ang private kung may pera tayong sapat para makapagsustento tayo ng libo libong halaga ng matrikula na hanggang ngayon dead end pa rin sa bawat usapan sa mga tuition consultation dahil sa Ched Memo 13. Kahit paano nakakatulong ang public school sa mga maralita nating kababayang di kayang magbayad ng mahal na tuition ng kanilang mga anak, hindi rin naman laging may ambon ng swerte tulad ng scholarship dahil hindi rin lahat ay may sapat na talino para sa mga required grades. Ang akin lang gawin ng tama ng Dept. Ed ang responsibilidad nila, at tutukan ng ombudsman ang mga kabalbalan ng mga taong walang pakundangang lumulustay sa pondo ng ahensyang ito na mula sa buwis ng bayan.

    Magpakatotoo na tayo may mga tao sa ahensya ng gobyerno na walang pakundangang maglustay sa sa mga pondo nila dahil hindi naman nila pera yun, pero sana ang pamahalaan wala rin sanang pakundangang kastiguhin ang mga taong tulad nito dahil kung sinasabi nilang hindi sila corrupt ay ayusin na nila ang mga bakuran nila bago sila magmalaki at mag bida bida at magpaganda sa UN meeting.

  11. BrianB says:

    Educating Filipinos shouldn’t be left to managers, but rather, it should have idealistic underpinnings. Especially with the literacy rate going down. This is a bad time for the private entities to take over education. How can a private school absorb an illiterate child of very poor parents? Are well-to-do parents willing to shoulder the expenses necessary to make this child school-worthy? The only chance that illiterate child has is the public school system.

    Besides, there has been no thorough study on how badly public schools actually compare to private schools. take the NCEE exam, for example. Where I grew up the top three schools were public. The only year a private school topped the NCEE was the year one Chinese school cheated. Suddenly all their students had a 99 percentile score.

  12. BrianB says:

    DJB, not that I’m saying your a manager, but your approach on education is very managerial. Many private citizens especially highly successful ones keep forgetting that government expenditures are never a zero sum game. It has underneath it very idealistic rationales. It is only due to the persistence of corruption that dimes and pennies should even be included in the accounting. Believe it or not, even the spirit of the nation has to be funded. Take sports, for example, and the arts.

  13. The Ca t says:

    bakit hinahayaang masayang ang pondo ng edukasyon? let me count the ways:

    malaking negosyo ang DepEd. Sa libro. Pag naaprubahan ang isang publishing company na may hawak na mga librong ipamudmod sa buong Pilipinas, malaking commission ang pinag-uusapan dito.

    ang mga libro naman ay hindi pinamumudmod. nagkaroon ng balita noon na maraming nakuhang nabubulok na libro.

    Ang mga materyales ay sub-standard kasi para makapasok sa bidding, kailang bagsak presyo tapos magdagdag pa sila para sa mga commission ng mga taong pipirma sa transaction. o di ba. kaya kung ang dating libro namin noon ay nagagamit sa susunod na taon, hindi puwede dahil pagkatapos ng isang taon ay gutay-gutay na ang pahina.

    meron naman yatang naparusahan. Yong Deped officials na ginamit ang pundo sa pag-invest sa stock market. hindi naman sila finance people.

  14. genevieve says:

    Blatant corruption in the Philippine educational system is already an accepted reality nowadays. We are just keep on pointing at each others faces and afterwards nothing happened.Isa sa mga sakit ng lipunan na magpasahanggang ngayon ay walang kasagutan.
    I’m now in the position as an educator…So many people called for system change, at marami na ang namatay na hanggang ngayon ay hindi na nakita ang katuparan sa kanilang ipinaglalaban tungo sa pagbabago ng sistema.
    But i believe, the issue is not with the system anymore. It’s how we as educators begin change
    within ourselves.We have to accept the reality that the sick educational system is difficult to cure.
    We better start changing our views. We better start with the moral recovery program of our students as well as ourselves. What is now lacking in our students and the rest of the people in the Philippines as a whole, are the concepts of VALUES SYSTEM,MORALITY, SELF-EFFICACY, AND SELF- REGULATION (thanks to Gardner and Bandura and to DR.DIZON of PNU)
    Most of our students, regardless of the economic status they belong, (Grade 5 or 6, even in high school or even early years in college)they do stop studying. The reasons? Most say its because with some financial difficulty..yes its an accepted reality. But come to think of it.Its not the poverty that hinders us to become educated and to become successful people. Its how we rise above our endeavors..the positive values system really matters that rooted from our family and other people such as the teachers that would inculcate these values. From then on as we established these values system, the students would be able to use these to established morality and wisdom,to determine and act what is right from wrong and through these,our students would be able to have high sense of efficacy and be able to regulate their behavior accordingly.(to be able to think about the consequences of their actions)

    And what about us Educators, We are keep on instilling the minds of our students about the core subjects (ENGLISH,MATH, SCIENCE etc..etc..etc)..after they have successfully passed the subjects and moved on from one level to another, will they become people for God, family and society or miserable people that despite with their success they will becaome an instrument of devil ? That’s one of the biggest question.
    But I believe to be able to have a successful and meaningful system and life that would mark change in the Philippines and the world…we have to start with ourselves, positive values system,sense of morality, high-efficacy and self-regulation would make a difference….

  15. caz says:

    oK lAng……

    TanX au

  16. Noong Disyembre, ipinasa ng administrasyon ng Unibersidad ng Pilipinas ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin ng papasok na mga freshman. Mula P300, magiging P1,000 kada yunit ang matrikula. Sa isang semestre, sa karaniwang 18 yunit na kinukuha ng isang estudyante, lalabas na mahigit P18,000 ang babayaran nito. Sinasabing pambalanse ng administrasyon ang pagpasa ng bagong sistema ng pag-alam ng kita ng pamilya ng mga estudyante – para iangkop dito ang sisingiling bayarin.
    Mahalaga ang pangyayaring ito sa bansa. UP ang tinitingalang paaralang pampubliko ng marami nating kababayan, na nangangarap pag-aralin ang matatalino nilang anak dito. Higit pa rito, bilang pangunahing unibersidad, UP ang itinuturing na modelo ng ibang kolehiyo at unibersidad ng estado sa kanilang mga patakaran sa iba’t ibang larangan. Sa kasaysayan, UP rin ang ginagamit ng gobyerno na laboratoryo ng mga patakarang itinutulak nito sa iba pang kolehiyo at unibersidad. Sa ganitong grabeng pagtaas ng matrikula, tila nababago ang sinasabing katangiang “pampubliko” ng UP.
    Bago ang pagpapasyang itaas ang matrikula at ibang bayarin, nagtodong opensiba sa UP ang mga argumentong neoliberal hinggil sa edukasyong pangkolehiyo sa bansa. Partikular na porma nito ang paglalabas ng mga papel ng komiteng pinamunuan ni Prop. Emmanuel de Dios ng UP School of Economics. Kung maaalala, kasama si De Dios sa bantog na “Econ 11,” ang 11 ekonomista ng UPSE na naggiit sa gobyernong Arroyo na magdeklara ng krisis pampinansiya noong 2004 – na siya namang naging tuntungan ng gobyerno para magpataw ng bagong mga buwis at gipitin ang serbisyong panlipunan.
    Pangunahin sa mga argumento ng Komiteng De Dios at administrasyon ng UP ang pagkuwestiyon kung makatwirang subsidyuhan ng estado ang UP – at maging ang edukasyong pangkolehiyo sa bansa. Ayon dito, karamihan sa mga pakinabang ngayon ng edukasyong pangkolehiyo sa bansa ay napupunta lang sa pribadong mga indibidwal. Ang dapat diumano ay ilaan ng estado ang subsidyo sa mga programang magbibigay ng pakinabang sa estado, bagaman hindi laging gagap ng pribadong indibidwal. Halimbawa nito ang agham at teknolohiya – laluna sa antas-masterado (MA) o doktorado (PhD).
    Sa isang banda, totoo ang obserbasyon dito. Halimbawa, marami sa mga Pilipinong nag-aaral ng nursing ngayon, at nag-aral ng computer science noon, ang nangingibang-bansa. Ibig sabihin, hindi napapakinabangan ng bansa ang kakayahan ng mga nagtatapos sa mga kursong ito gayung matindi ang pangangailangan sa kanila rito. Maging ang mga nagtapos sa College of Medicine ng UP na naiwan sa bansa, kayang bilangin umano ang mga kasabayan nilang nanatili. Sa harap ito ng grabeng kakapusan ng doktor sa bansa kung ihahambing sa dami ng kababayan nating nangangailangan.
    Sa halip na baguhin, ang gusto ay angkupan – at sa gayon ay panatilihin – ang kalagayang ito ng panukalang lalo pang kaltasan ang subsidyo ng estado sa edukasyon.
    Dapat palalimin ang datos na ito, gayunman. Bakit ito ang mga kursong kinukuha ng marami nating kababayan? Higit pa rito, bakit nangingibang-bayan ang marami sa mga nagtatapos sa bansa? Iyan ang mga kursong kinukuha ng marami nating kababayan dahil nariyan ang mga kakayahang kailangan para makapagtrabaho sa ibang bansa. Nangingibang-bansa ang mga kababayan nating nakatapos dahil walang trabahong nakabubuhay para sa kanila dito sa bansa. Dagdag pa rito, opisyal na patakaran ng gobyernong hikayatin ang nakatapos nating mga kababayan na mangibang-bansa.
    Ang sisi, kitang-kita, ay sa gobyerno. At maging ang pakinabang. Habang estudyante ang mga Pilipino, pagkakaitan sila ng subsidyo sa edukasyon. Pero kapag nangibang-bansa na sila, tatawagin silang “bagong bayani” – nagpapadala ng mga remittance na bumubuhay sa naghihingalong ekonomiya ng bansa, kapalit ng kapabayaan ng gobyerno. Sa ganyang punto nailalantad ang gobyerno – na binubuo ng naghaharing mga elite sa bansa na ang interes ay panatilihin ang umiiral na sistema na kanilang pinakikinabangan. Hindi niyutral ang gobyerno, gaya ng tila gustong palabasin ng ilan.
    Ang solusyon ba ay subsidyuhan ng estado ang mga kurso para sa pangingibang-bansa ng mga nakapagtapos? Hindi rin, pero patunay ang grabeng singil ng paggisa sa mga nag-aaral sa sariling mantika at ng pagsagka sa pagpasok ng iba maging sa makipot na landas na ito ng personal na pag-unlad. Ang kailangan, bukod sa dagdagan ang subsidyo sa edukasyon, ay ang pagbabago sa klase ng “pag-unlad” na tinatanaw ng gobyerno. Ang pag-unlad na kailangan ng bansa ay iyung nakabatay sa pagsapat sa pangangailangan ng mga mamamayan – na tiyak na magbibigay ng trabaho sa marami.
    Sa pagbubukas ng pasukan, magsisikap ang iba’t ibang sektor sa UP na pasiglahin ang kampanya para tutulan at paatrasin ang pagtaas ng mga bayaring bumabago sa sinasabing pagiging “pamantasan ng bayan” ng UP. Dahil matalas na taguyod ng klase ng “pag-unlad” na gusto ng gobyerno ang lokal na mga tagapagsalita nito, tiyak na aabot sa usaping ito ang paglalantad.

  17. enjoyfrancis enjoyfrancis says:

    Mas mahalaga ata kay Gloria ang military kasi pinaliit ang pondo ng edukasyon at pinalaki ang pondo sa PMA (lahat scholars, allowance Phpxx,xxx.xx , Php X,xxx,xxx.xx na insurance?).
    humanda sa Martial Law at pagiging Prime Minister ni Gloria…

  18. loiuslyne says:

    dapat sana mas pinahalagahan ni gloria ang pondo ng edukasyon kaysa sa pondo ng mga militar..
    this is so unfaiR!!!!

Speak Your Mind

*