If you intresting in sport buy steroids you find place where you can find information about steroids

Kailangan pa bang kausapin ang rapist mo?

no-to-conass1Parang hindi yata tama at isang kalokohan na, habang nakapatong ang isang rapist sa iyo, at nakaumang ang baril niya sa iyong sentido at akmang huhubaran ka na, eh, itatanong mo pa kung anong balak niya sa iyo at hihingin mo pa sa rapist mo ang paliwanag kung bakit ka gagahasain? Ito ang nais ng ilang manunulat dito sa FilipinoVoices na bago raw tayo kumilos, kailangang hintayin natin ang pagpapaliwanag mula mismo sa rehimeng Arroyo kung ano talaga ang kanilang mga balakin sa HR 1109 o sa balaking pagpapatupad ng batas militar.

Tama si Cong. Roilo Golez nang makausap namin siya sa 1st Facebook Eyeball Against Con-Ass noong Sabado. Hindi na ito ang panahon ng debate or diskursyon sa HR 1109. Sa tinagal-tagal ba naman ng mga debate laban o hindi sa cha-cha, hindi pa rin ba hinog ang masa tungo sa malawakang pagkilos laban dito? Kailangan pa bang isulat pa ng karamihan na ang HR 1109 ay hindi lamang iligal kundi immoral?

Informed actions? Bakit, hindi pa ba sapat ang dami ng literatura at mga pahayag ng mga eksperto hinggil sa iligalidad ng HR 1109? Kailangang dinggin ang panig ng mga sumusog ng HR 1109? Anong panig ang dapat pakinggan samantalang malinaw pa sa sikat ng araw ang balaking gahasain ng mga kumag na ito ang ating Saligang Batas.

Ngayon, kung ang nais marinig ng mga taong ito ay ang magandang idudulot ng pagbubukas ng mga probisyong pang-ekonomiko sa Saligang Batas, ito rin ay isang immoralidad. Bakit? Sa kabila ng reverse economic engineering na ipinatutupad ngayon ng karamihan sa mga bansang progresibo dulot ng pandaigdigang resesyon, heto tayo at nais nating buksan ng laharan at tuluyan ang ating ekonomiya para sa dayuhang kapital. Anong klaseng utak meron ang ating mga lider parliamentaryo?

Ginahasa ka na dati pa ng mga dayuhang kapital at ngayong prinutektahan mo ang iyong sarili laban sa kanila sa pamamagitan ng isang Saligang Batas na nag-eenganyo sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya batay sa lokal na partisipasyon ng mga mamamayang Pilipino, heto ngayon sina Speaker Prospero Nograles Jr.,  nais nilang ibalik sa datihang relasyong hindi balanse ang bansa.

Uunlad ang ating bansa sa pamamagitan ng tamang alokasyon ng resources at pagpapataas ng kumpiyansa sa sariling talino at lakas ang sambayanang Pilipino. Balakid sa pag-unlad ng bansang ito ang kasalukuyang sistemang bangkarote na pinamamalakad ng mga elitistang ganid sa yaman at kapangyarihan.

Hinog na ang panahon sa tama at kalibradong pagkilos. Kinakailangan lamang na palakasin ang loob ng mga nais ng pagbabago at huwag maging kasangkapan ng Estadong ito ang iilang manunulat para patuluging muli ang Masa. Gising na ang Sambayanang Pilipino. Kailangan nila ng direksyon.

Popularity: 1% [?]

Comments

  1. GabbyD says:

    “balaking pagpapatupad ng batas militar.”

    ha? where did this come from?

  2. GabbyD says:

    what is this reverse economic engineering due to the recession?

    so what?

    the economic issues in the constitution DO NOT DEPEND on the recession. its called a business cycle for a reason — ie. there are UPS and DOWNS.

    A discussion on the issues shouldn’t rely on the reaction to a recession (a reaction that may not be the correct reaction)

  3. benign0 says:

    Parang hindi yata tama at isang kalokohan na, habang nakapatong ang isang rapist sa iyo, at nakaumang ang baril niya sa iyong sentido at akmang huhubaran ka na, eh, itatanong mo pa kung anong balak niya sa iyo at hihingin mo pa sa rapist mo ang paliwanag kung bakit ka gagahasain?

    Ang O.A. :D

    Politicians are NOT Da Pinoy’s worst enemy.

    Filipino culture IS Da Pinoy’s worst enemy.

    • GabbyD says:

      actually, i don’t think this simile is a problem. rape is basically a power issue.

      this wouldn’t be by go-to simile tho, but maybe thats coz i have a higher opinion about chastity than most.

      • BongV BongV says:

        in rape, the victim says “NO” and the protagonist says “AYE”.

        in this case, the very moment the VOTERs selected these idiots, they already said “YES” – yun nga lang, the voters didn’t expect that it would go anal – :lol:

        it’s Kho-Halili on a social scale :lol:

    • I disagree, that’s not a true Filipino Culture. Maybe a trend that has been allowed among other distasteful things that ever came down from the low lives who rationalized that it’s alright because no one seriously demands for accountability.

  4. Hyden Toro says:

    The outright grab for power for these few individuals is not a
    laughing matter. We have to be ready for all eventualities. We are
    all watching the situation.

    The standoff will only be difused, if a legitimate President will
    be elected.

Speak Your Mind

*