Hibang na ang taumbayan dahil sa gutom. Mahigit 40 milyong Filipino ang kumakalam ang sikmura, samantalang bilyong bilyong piso ang winawaldas ng mga alipores ni Arroyo. Mas matindi ang kagutumang pang kaluluwa, dahilan sa nawalan na talaga ng hiya ang mga taong pamahalaan.
Ang daan ba ay pagpapahinuhod ng maluwanay sa mga gahaman at mga hinayupak na magnanakaw sa administrasyong Arroyo? O, ipamukha sa kanila ang kalupitang naging karakter na ng kanilang pamamahala?
Kausap ko ang aking mga kapwa nangangarap ng isang Magandang Umaga at isa lamang ang naging sagot—kitlin ang kahibangan sa pamamagitan ng pagtayo at pakihamok.
Kung walang tatayo, kami sa Young Organizers’ Union (YOU), ang tagapagmana ng pakikibaka ng Young Officers’ Union (YOU), ang tatayo. Puputulin namin ang aming pagmamasid at sisimulan ang pakikihamok.
Kahiya-hiya sa mga susunod na henerasyon kung ang kasalukuyang mga nakababatid ng problema ngunit nananatiling tuod ay walang gagawin kundi ang magsulat at magbasa. Itigil na ang labanang pluma at simulan ang totoong pakikihamok.
Makikihamok kami sa larangang panghalalan.
Ikakalat namin ang mensahe ng pagbabago sa taumbayan.
Ipamamahagi namin ang liwanag sa kabila ng kadiliman sa mga kanayunan at kalunsuran.
At sa paglawak ng liwanag, darating ang Bagong Umaga!
Popularity: 1% [?]
Viva la Reformacion!
Makes me wonder if 2010 will be a memorable year for better or worse.
don’t know too. but we must fight, even at the point of dying.
hanep!
If ever this “fight” happens, I’d be concerned about the fence-sitters who know when to enter the picture and later claim responsibility for leading the fight. I’m sure everyone’s familiar with how that story goes, so I hope (for the sake of all) that you’ve got all your bases covered before you come to such a MAJOR decision.
Prime Minister Hatoyama of Japan was elected. Because of the efforts
of the Young generation of Japanese. They Youth in Japan, worked a very hard campaign to inform and educate the older Japanese to vote wisely. The Ruling Party, that consisted of Traditional Japanese Politicians, headed by Taro Aso, lost their hold of power.
It is possible to have a change in Political Landscape in our country. If it is truly and sincerely initiated by the Young Filipinos. We the older generation, gave our best already. Our best was not good enough. We still see political family dynasties wrecking havoc to our political system.