If you intresting in sport buy steroids you find place where you can find information about steroids

Maligayang Bati, Bayang Pilipino!

Maligayang Araw ng Kalayaan sa inyong lahat!

Sa araw na ito ginugunita ng bayang Pilipino ang ika-110 na araw ng kalayaan mula sa España. Napakahalaga nito sa kasaysayan ng Timog Silangang Asya, sapagkat isa ang Pilipinas sa pinakaunang mga bansang nagkamit – maski magsumandali – ng inaasam na kalayaan at pagsasarili.

Sa kabilang banda, bagama’t ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Kalayaan, isang mahalagang tanong na pumasok sa aking isip magmula nang nasa elementarya pa lamang ako ay, “tunay nga bang malaya ang mga Pilipino?”

Maraming dahilan upang tanungin kung totoo nga ba ang kalayaang nakamtan natin. Maraming pinaguugatan ang katanungang ito: ekonomiya; kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag; at kulturang Kanluranin ay ilan lamang sa mga aspekto ng tanong na ito.

Nariyan ang patuloy na pagsalalay ng ating ekonomiya sa mga banyagang pangangalakal at industriya. Nariyan ang patuloy na pagsalalay natin sa langis na inaangkat mula sa ibayong dagat. Nariyan ang patuloy na pagpapadala natin ng mga manggagawa sa ibang bansa upang makakain lamang ang kanilang mga pamilya. Nariyan ang iba’t-ibang paraan ng pagsupil sa malayang pamamahayag – na kung hindi man pagbabanta na mademanda sa hukuman sa kasong libelo ay mauuwi naman sa pagpaslang o pagdukot sa mga mamahayag. Nariyan ang patuloy na paglapastangan ng mga pulitiko sa kanilang mga kinalalagyan sa pamahalaan, sa pamamagitan ng tahasang kurapsyon at walang humpay na pangungurakot mula sa kaban ng bayan.

Minsan, mapapailing ka na lamang at magtatanong kung ano pa ang saysay ng kalayaan ng Pilipino kung hindi rin naman ito tinatamasa ng karamihan ng mga Pilipino. Ang sa tingin ko’y hindi nauunawaan ng lahat ng Pilipino ay ang kakayahan ng isang indibidwal na tumulong patungo sa pangkalahatang pag-unlad. Bagama’t patung-patong na suliranin na kinakaharap ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino, madalas ay nakakalimutan nila ang ang pinakamahalagang handog ng kanyang kalayaan – ang kakayahang baguhin ang kanyang tadhana.

Sa kabila ng mga hamon sa pang-araw-araw na pamumuhay, may kalayaan tayong maging masipag, matiyaga, at maging mulat sa bawat pagkakataon na ipagbuti ang ating sarili, ang ating kapaligiran, at ang ating bayan. Malayo ang nararating ng mga maliliit na bagay tulad ng patuloy na pagiibayo ng ating karunungan at kakayahan sa kinalalagyan na propesyon. Malayo ang nararating ng pagsusuri sa mga pang-araw-araw na suliranin at paghahanap ng paraan kung paano ito aayusin. Malayo ang nararating ng walang humpay na pagtanong sa sarili kung “paano ko ba pagagandahin ang sitwasyon na aking kinalalagyan?” Malayo ang mararating kapag tinatanong natin, sa bawat sandali ng ating buhay, kung “ano ba ang maaari kong gawin upang makatulong sa mga tao sa paligid ko?”

Maligayang Bati, Bayang Pilipino. Ipagdiwang mo ang iyong kalayaan sa pamamagitan ng pagpapatunay at pagpapakitang gilas sa iyong kakayahang suungin ang anumang pagsubok at magtagumpay sa anumang bagay na iyong minimithi.

Mabuhay!

Popularity: 1% [?]

Comments

  1. cvj says:

    Jon, i join you in greeting our fellow Filipinos a Happy Independence Day. On the question of whether we are ‘truly independent or not’, as i commented over at Rom’s blog, i believe (and agree with her) that we are, but the perennial problem of our Society has been Inequality.

  2. Lahat ng Pilipino, saan man sa sulok ng mundo, kapamilya man o kapuso, ay nagbibigay pugay sa Bansang Pilipinas sa Araw ng Kasarinlan nito!

    Ako po, sampu ng aking pamilya, ay nagpapaabot sa lahat ng kapwa kong Pilipino ng isang marubdob na pagbati mula sa kaibuturan ng aking puso sa araw ng pagdiriwang ng ating Kasarinlan!

    Mabuhay ang bawat Pilipino!

    Gumagalang,
    Marlon Ribunal
    Long Beach, California USA

  3. Jon Limjap says:

    cvj,

    Sometimes, I fear that some Filipinos simply choose to not believe they are independent because they’re afraid of that responsibility.

  4. cvj says:

    Jon, i suppose so. Oftentimes, the argument also drifts towards semantics because the word is loaded with meaning, which is not to say that such discussions are useless, only that we have to be aware when we have strayed into that area.

    The fact that we are independent also does not diminish those who raise issues against American or Chinese Imperialism, or globalization in general.

  5. Jon Limjap says:

    Marlon,

    Thanks for the greet.

    chuck,

    Agreed, it IS a loaded term that will digress to so many other things.

    I’m sure our friends will join us shortly to commence that digression, hehehe ;)

  6. J says:

    Mabuhay ang Kalayaan

  7. [splice] says:

    Ipagdiwang mo ang iyong kalayaan sa pamamagitan ng pagpapatunay at pagpapakitang gilas sa iyong kakayahang suungin ang anumang pagsubok at magtagumpay sa anumang bagay na iyong minimithi.

    I agree. Which reminds me of what some people say: we are the race of immitators, which is why we continue to survive. But I’d rather say it’s our ingenuity to innovate in many ways, even the simplest ones, which has given us the ability to survive a society run by (some?) thieves.

    At any rate, nararapat lamang na ipagdiwang natin ang ating kalayaan. Mabuhay ang lahing Pilipino!

  8. mack daniel filio says:

    mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan. mahirap magsulat ngunit kinakailangan.. :D

  9. Jon Limjap says:

    Mack,

    Hehe, taga-Plaridel ka ba? Balita ko nanakawan daw yung unit nila sa EGI :(

  10. mack daniel filio says:

    yep.hehe.. nanakawan kami. malungkot iyong nangyari pero masaya pa rin buhay ng pidel. hehe

Speak Your Mind

*