Araw-Araw at minuto-minuto wala kang maririnig kung hindi tungkol sa laban ni Barak Obama at John McCain para sa posisyon ng Pangulo ng Estados Unidos (USA). Siguro dahil sa nagtratrabaho ako sa isang media company kaya ganito. Ngunit nakikita ko rin ito sa mga blogs, sa Twitter at sa Plurk. Kahit saan nandoon ang balita tungkol sa 2008 US Presidential Elections.
Sabagay may kasabihan na natatandaan na kung ano man ang nangyari sa Roma ay mararamdamaan sa kasulok-sulokan ng Mundo. At ang US ang bagong kapitolyo ng Mundo.
Kaya, hindi ako nagugulat sa malaking interes ng mga ibang bansa kung sino any magiging sunod na Pangulo. Pero dito sa atin pareho din ba ang mga rason kung bakit halos sinusundaan natin ang 2008 US Election araw-araw.
BAKIT KAYA?
Hindi mapagkaila na meron tayong koneksiyon sa US. May kamaganak tayo doon. Ang iba sa atin ay nakatira na doon. Tayo ay lumaki sa isang sistema na hinubog at kahit papaano ay may mga bagay na pareho sa sistema ng US. Ilang taon din naman taya napa-ilalim sa mga Amerikano.
Pero hindi kaya ang sang dahilan kung bakit sinusubaybayan natin ang laban ni Obama at McCain ay kasi dahil karamihan sa atin ay hindi nasisiyahan sa sarili nating eleksiyon?
Huwag natin kalimutan na meron din naman kapalpakan sa eleksiyon sa US. Balikan natin ang eleksiyon ng panahan ni Geogre Bush Jr at Al Gore. Nabinbin ng eleksiyon dahil sa mga chad, balota, na hindi malinaw kung ano talaga ang binoto.
Meron pang usapan na buntis na Chad.
Pero kahit papaano mukhang nasasasiayos din.
SINONG MANANALO?
Mukhang mananalo na si Obama. Malaki ang kanyang campaign fund at ang kay McCain maliit: Sosobra sa $600m ang campaign fund ni Obama. Na-endorse pa siya ni Colin Powell – Dating General at Secretary of State ni George W Bush. Sabagay pati si Fidel and Raul Castro ng Cuba nag -endorse kay Obama. Pati si Kim Jong Il sumali na rin. Maliban kay Colin Powell hindi natin alam kung ang mga pag-endorso na ito ay makakatulong kay Obama.Tingnan natin.
Pero pag binasa mo ang RealClear Politics’ – Average of Polls
May lamang parin si Obama pero hindi pa rin sigurado. Baka meron pa rin mangyari sa araw ng halalan. Tingan natin.
ANO NGAYON?
Tumingin at mag-obserba.
Karamihan ng mga Pinoy yung lang naman ang magagawa. Hindi katulad ng mga kaibigan at kamag-anak natin na Fil-Americans. Hanggan tingin lang talaga.
Kung sino man manalo Democrat o Republican pareho pa din. Siguro may pagkakaiba ng konti dahil sa partido at paniniwala ngunit sa hulit-huli din kanit anong party o kandidato ang manalo ganoon pa rin – kapakanan pa rin ng US ang nasa-isip.
Conservative, n. A statesman enamored of existing evils, as opposed to a Liberal, who wants to replace them with others.
– Ambrose Bierce, The Devil’s Dictionary
Popularity: 1% [?]
Bago ang lahat matanong ko lang kung may kamag-anak kang Edwin Sonido na naging kakalase ko nung High School?
Tama ka kahit sinong manalo para sa interest ng America. Pero sa tingin ko kung ano ang gusto nila yun pa din ang pagpipilitan nila. National Interest is just perceived.
Si Obama ayaw ng NAFTA,dahil diraw ito nakakatulong sa kapakanan ng bansa.Ayaw sa Outsourcing dahil nawawalan daw ng trabaho ang mga kano.
Anong gusto nya magkaprograma na pabalikin lahat ng mga manufacturer na lumipat sa China at sa ibang bansa,outsourcing alam na natin kung bakit tayo interesado dito.Kung wala tayong magawa sa mga nagsialisan na mga MNCS nung 97 crisis at least sa outsourcing me laban tayo.
Kay Mc Cain naman, titirahin nya si obama sa Nafta at ayaw ng bilateral agreement sa Columbia e sya din madaming kaaway sa latin amerika.
Tingnan nya ang kasaysayan nagkaron ng Opec dahil ayaw makipagsundo ng America sa Venezuela.Humingi ng tulong ang venezuela sa Middle East ang resulta ngayon. Umutang ng malaki sa China ang tate para pambili ng langis sa Middle East.
Sa ngayon 10 trillion na ang utang ng tate sa mundo at magiging lampas 11 trillion pa.
Madaming dahilan para maging interesado ang pinoy sa mga nangyayari sa tate,bukod sa madami tayong kababayan dun at sa mga iba kong nabanggit pero tama na muna .
Karl,
OO. Maganda yung mga punto mo. Tingan natin kung ano ang mangyayari. Amerikano o Pilipino man mga politiko din yan. Tingnan natin.
:)