If you intresting in sport buy steroids you find place where you can find information about steroids

Palit-Ulo at Mga Elitistang Problema ng Pilipino

Aminin man natin o hindi, malas lang ni Arroyo bakit siya napagitna sa isang panahong lumalabas na ang ilang daang taong kamalian sa ating superistruktura. Ang mga pigurang ipinalalabas ng mga bumabatikos kay Arroyo ay mga palatandaan o sintomas ng nangangaluntoy at bangkaroteng sistema. Hindi ito dahil sa kanyang personal na kapalpakan kundi, mga datos na lalabas at magpapatunay ng unti-unting panghihina ng isang sistemang hindi angkop upang tugunan ang mga suliranin at pangangailangan ng mga mamamayan.

Aminin man natin o hindi, ang patuloy na pagpukol ng sisi kay Arroyo ay isang manipistasyon ng bangkarote at pilistismong tendensya ng mga elitistang wala sa kapangyarihan upang patunayan na sila ang mas mabuting mamuno kaysa kay Arroyo. Kahit na hindi si Arroyo ang pangulo, tiyak kong may ibabatong putik din ang mga elitistang ito, na binigyan na rin ng sambayanan ng karapatan noon na pagandahin ang kalagayan natin, ngunit, pumalpak din at ngayo’y nagmamalinis at nagsasabing ” dapat ganito, o dapat ganun” gayong, noong panahon nila ng pamumuno, nakaw dito at nakaw dun din ang ginawa.

Aminin man natin o hindi, ang mga elitistang namumuno sa ating bayan ay mahilig sa pataasan ng ihi. Tulad na lamang ng pagmamalaki ni First Gentleman nang siya’y tumuntong sa Estados Unidos nang hindi nakulong. O, ang pagmamarakuli ni Erap at pagsasabing sinungaling si Arroyo nang hindi tumitingin sa salamin. O ang mga panaghoy ni Roxas na “lalaban tayo” gayong noong siya’y nasasa poder ng kapangyarihan ay walang naitulong. O, ang mga akusasyon ng pagsisinungaling gayong alam ng mga taong ito na nagsinungaling man o hindi si Arroyo, walang bungang mabuti ang gayong gawain.

Hulog na sa patibong ng kapwa mga elitista ni Arroyo ang mga taong nagnanais ng pagbabago sa lipunang ito. Hulog sa patibong ng promesa sa sistemang palit-ulo—na ang pagbabago ay matatamo lamang sa palit-ulo. Kahit na hungkag sa plataporma ang ipapalit ulo, sisiraan pa rin ang namumuno sapagkat ayaw nilang magising ang Masa sa katotohanang walang pag-asa sa halalan. Tanging rebolusyon ang sagot sa mga suliranin ng bayan NGUNIT nagiging kasangkapan ng mga elitistang wala sa kapangyarihan ang mga tunay na naghahangad ng pagbabago dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman ng mga ito sa tiyak na daan tungo dito.

Ang problema ay wala kay Arroyo. Patibong lang ng mga elitistang outside of the kulambo ang pagpupukol ng lahat ng sisi kay Arroyo, dahilan sa matigas na pananalig ng mga ito sa kasalukuyang sistema. Para sa mga elististang ito, tama ang sistema, mali lang ang pamamalakad ni Arroyo. Kung sasampalatayanan natin ang mga ganitong tao, tama si Arroyo sa pagsasabing siguro nahulog na sa mas malalim na kumunoy ng kahirapan ang bansa.

Kung mali si Arroyo, nasasaan ang tamang solusyon aber? Kung nagsinungaling si Arroyo, nasasaan ang katotohanan? Sa lansangan? Sa mga barung-barong na dinatnan na ni Arroyo bago pa siya naupo? Ang pagsasabing ” buksan mo ang iyong mga mata at makikita mo ang katotohanan” ay isang mali at ilohikal na pahayag.

Walang pinuno ngayon ang may karapatang humalili kay Arroyo sapagkat wala ni isa man sa kanila ang naghahayag ng plataporma de gobiernong aangkop sa kalagayang Pilipino. WALA ni isa man sa kanila ang may tunay na pagmamahal sa Inang Bayan; kundi ang layunin lamang ng mga elitistang ito ay sila ang magnakaw, sila ang dapat harapin ni Obama, sila ang marunong, sila ang magaling, sila ang tama, sila ang may hawak ng katotohanan, sila ang panginonngoin ng mga Pilipino.

Wasakin natin ang sistemang ito ng palit-ulo at isulong ang panahon na tanging mga mabubuting tao, mga maginoo, mga tunay na may pagmamahal sa bayan at hindi mga peke at posturadong mga elitista ang tunay na mamuno sa pamahalaan. Huwag tayong magpagamit sa mga datihan nang namuno pero mas palpak pa kesa kay Arroyo. Suriin natin sino ang mga nagaakusa ngayon ng kapalpakan kay Arroyo—sila rin ang mga nagpalubog sa ating lipunan ngunit tinakasan ang responsibilidad gaya ni Joc-Joc Bolante. Kung may malaking iskandalo sa lipunang ito, ito ang iskandalo ng mga nagmamarunong na elitistang palagiang gustong magtaas ng kamay sa eskwelahan ng masa kapagka may nagkamali. Sila ang mga “me na me” na wala rin namang pinagkaiba at walang naisusulong na solusyon sa mga suliranin ng bayan. Wasakin, gibain at ilantad ang mga taong ito na sakim, gahaman at mas masahol pa kesa sa kanilang inaakusahan.

Popularity: 1% [?]

Comments

  1. karl garcia says:

    Ano ang nais mong mangyari?

    Walang Presidente,walang gobyerno Ang gusto mo ay ang magpalakad ay ang matino,mabuti,maginooo , pano ang systema nyan?

    sabihin ba nila na kami ang dapat mamuno dahil matino kami, di kami umiinom,hindi kami nambababe o nanglalaki,di kami naninigarilyo,wala kaming naloko, di kami nagnakaw.

    Di ito pambabastos Pat, ang ibig kong sabihin sino ang maghuhusga kung sino ang matitino mga tao din diba?
    Di parang eleksyon din ito?

    Kung Civil society ang ibig mong sabihin, sino sa kanila ang ihaharap mo sa ibang presidente (bukod ke Obama)?
    sino ang mamahala sa militar ?

    kanya kanyang baranggay na lang ba,kanya kanyang teritoryo ba ang pa ang pagpatakbo ng gobyerno(kung ano man ang gusto mong itawag kapalit ng gobyerno)?

    Para maintindihan kita ng mas maigi Pat, kung me oras ka paki sagot naman.
    pasensya na kung makulit ang dating.

    Ano ang plataporma ng iyong adhikain?

  2. Phil Manila says:

    “Patibong lang ng mga elitistang outside of the kulambo ang pagpupukol ng lahat ng sisi kay Arroyo, dahilan sa matigas na pananalig ng mga ito sa kasalukuyang sistema…”

    Ano daw?

    Alam mo ba ng problema sa diskarte mo, kulang ka palagi sa konteksto (context). And dating mo, either for or against PGMA, palaging OA (over-acting).

    I’ll tell you this. I’m not pro- or against GMA, but nine years would have been enough to make a difference.

    Totohanan lamang dapat, bay?

  3. Hyden Toro says:

    Gloria Arroyo and her Administration of misgovernance and corruption
    is a product of our bankrupt political system. A system of political
    patronage and political family dynasties. Even if we change to
    Parliamentary, Federal, or any kind of system. If we have the same
    kinds of people in the political scenes. The more things change, the more they remain the same. The Arroyo Family are almost in every
    elected political office. To support and dominate the family political agenda. This system of political patronage are like weeds. Choking the political system. Preventing other new good leaders to come out and be elected.

  4. UP n grad says:

    The news is spreading around the globe.

    Cory Aquino : dead at 76.

    ————

    Former President Corazon Aquino, who swept away a dictator with a “people power” revolt and then sustained democracy by fighting off seven coup attempts in six years, died on Saturday, her son said. She was 76.

    http://www.npr.org/templates/story/story.php?storyId=111444213&ft=1&f=1004

  5. Bert says:

    Si Pat…sa pula, sa puti, hindi alam kung ano ang gustong gawin, maliban sa rebulosyon daw. hehehe.

  6. tranquil says:

    Patricio on the left.
    Benigno on the right.
    Both now supports La Gloria who is flirting with and dancing to the tune of chacha..
    The center may not be able to hold anymore..
    The symbolic icon of our dysfunctional democracy is dead.

    And when the cards are all laid on the table, left and right, though on a temporary unholy alliance, might just start shooting each other.

    So…

    Quo vadis, Pilipinas?

  7. tranquil says:

    Both Patricio’s and Benigno’s implied support of a highly unpopular and morally bankrupt regime of Queen Gloria makes their little authoritarian project untenable.

  8. Manuel Buencamino manuelbuencamino says:

    Masa at elitista na naman.

    Nakakasawa na yang kwentong masa kontra elitista, Walang ibig sabihin yan mga salitang masa at elitista kasi pagsinuri mo kung ano ang ibig sabihin ng elitista ang lalabas ay ang isang elitista ay yung hindi makamasa at yung makamasa ay yung kontra sa elitista.

    Pag ang isang mahirap ay umasenso nagiging siyang isa sa mga elite. Pag ang isang elite ay minalas nagiging masa. So kung gusto mong makamasa ka dapat maiwan kang mahirap.

    Sa madaling salita, ang mga komunista ay makamasa kasi sa ilalim ng kanilang sistema walang may pera, walang may pagaari kundi ang estado. Lahat pantay pantay sa wala, lahat mahirap maliban sa estado.

    Yun estado ba ang taong bayan? Oo ang sagot ng central committee, ng politburo na maghahari sa bayan.

    Rebolusyon ka mo? Dun na lang ako sa sistema natin, hindi nga perfecto pero at least may pag-asa umasenso kung may sipag at swerte. Kaysa naman isuko ko ang aking kinabukasan sa kamay ng mga taong nagaakala na sila lang ang nakakaalam kung ano ang para at dapat para sa akin.

    Dun na ako sa demokrasyang kinagisnan ko. Ayoko yatang mabuhay sa isan “people’s democratic republic” o kung ano pang Orwellian animal farm ang pinapanginipan ng mga “rebolusyonario.”.

  9. Cedric says:

    In some points, I agree, and in others, I don’t.

    First of all, I agree that Arroyo is not the problem. Corrupt as she is, the woman’s just part of a social structure where the state cannot contain the elites. As Walden Bello puts it, blaming corruption (and the corrupt) is barking up the wrong tree. But alas, people are easily sold by that pathetic excuse called “corruption.” It figures why other elites use it so often to bash their rival elites: Because people buy it.

    This is the point where our ideas part, but I’ll get to that later.

    Since we agree that Philippine politics revolves around the powerful few, we should also agree that no matter who we vote, it’s gonna be the same. One elite out, another elite in, treasury gets milked, rinse and repeat.

    However, we disagree on a particular point:
    “Wasakin natin ang sistemang ito ng palit-ulo at isulong ang panahon na tanging mga mabubuting tao, mga maginoo, mga tunay na may pagmamahal sa bayan at hindi mga peke at posturadong mga elitista ang tunay na mamuno sa pamahalaan.”

    In the end, pointing at the elites as the problem is just as bad as pointing at corruption. Honor? Virtue? Justice? Really, to arrive at a pragmatic solution, you don’t pray for a saint to sit on the throne. The elites will be there for long and corruption is definitely here to stay. Guns, goons, and gold will be used until God knows when.

    However, other countries also have elites and corruption, but that doesn’t hinder them in development, right? I mean, just look at the United States! We also have China and South Korea as good examples. Sometimes, we have to look at national issues from different angles and think outside the box.

    So where am I getting at?

    People are so quick to blame corruption and the like, but fail to analyze other problems of society which also contribute to our poverty (e.g. imperialism, market policies). We tend to oversimplify social issues and accept conventional views so readily.

  10. angelz in hell says:

    patricio mangubat!!! Piniringan ba ang iyong dalawang mata kung kaya’t hindi mo nakikita ang nangyayari sa bayan mong kinabibilangan? Sadya bang hindi na makarinig ang dalawa mong tainga, kaya’t hindi mo naririnig ang hinaing at kalam ng sikmura ng mga kababayan mong pilipino? O sadya bang natapalan ang iyong bibig ng salapi mula sa palasyo? Kaya hindi umuunlad ang mga pilipino dahil may mga taong kagaya mo at ng iyong mahal na pangulo!!!!!!!!!!!!!!!!

Speak Your Mind

*