
Psychiatric test, ito ang panibagong requirement ng DFA para sa mga taong nagnanais maging domestic helper sa ibang bansa. “Domestic helpers should be assessed if they are able to respond to this type of stress” ito ang paliwanag ni Undersecretary Esteban Conejos ng Department of Foreign Affairs, ayon sa kanya dito masusukat ang kakayahan ng kanilang isip at emosyon ang anumang pagsubok sa abroad. Habang taliwas ang pananaw ng mga NGOs na sumesentro sa advocacy ng mga migranteng kababaihan, ayon sa kanila dagdag gastos ito sa mga Pinay na nag nanais mag abroad at walang saysay ang psychiatric test kung aabusuhin lang sila sa abroad. Ngunit naninindigan si Undersecretary Cornejos na sa makikita sa psychiatric test kung maaaring isabak ang isang domestic helpers sa abroad.
Pero aminin natin taliwas ang panukalang ito sa totoong dapat ginagawa ng ating pamahalaan at ng mga embahada natin sa ibang bansa lalo na sa Middle East. Hindi kailangan ng mga domestic helper ang psychiatric test para malaman kung nararapat siyang isabak sa trabaho sa ibang bansa at kung may kakayahan sila sa aspeto ng emosyon at pag-iisip. Ang kailangan ng ating mga kababayang domenstic helpers at iba pang OFW ay isang matatag na security para sa kanila sa mga bansang napili nilang pagtrabahuan, security para sa kanilang karapatan, security nila bilang tao laban sa pang aabuso at pagmamaltrato ng mga amo nila at ito ang kulang sa ating pamahalaan at mga embahada sa ibang bansa.
Walang taong matatag ang kakayahan sa pag iisip at emosyon sa panahong mangibang bansa siya para humanap nang swerte para sa kanya at sa pamilya. Kung tuluyan ipapatupad ng Department of Foreign Affairs marahil wala nang pumasa sa mga nating halo halo ang emosyon dahil sa pag iwan niya sa kanyang pamilya sa bansa, at magulo ang isip dahil nangangamba siya sa panibagong hamon sa kanyang buhay, at kung anong kahihinatnan niya sa bansang pagtratrabahuan. Lahat walang kasiguruhan dahil ang pagtratrabaho sa ibang bansa kahit dito sa Pilipinas ay pawang pagsusugal lamang nang tapang, emosyon at pag iisip. Lumalayo na ang domestic helpersDepartment of Foreign Affairs sa totoong problema at mas lalo pa nitong pinahihirapan ang mga taong nag nanais magkaroon ng swerte sa ibang bansa.
Isang malaking ANG SA WARI KO lang, alam ba nila ang suliranin ng ating mga kababayang domestic helpers at mga OFW sa banyagang lupain? Sana OO alam nila, para saan pa’t nasa pwesto sila, dahil para sa akin hindi Pyschiatric test ang sagot sa matagal nang suliranin ng mga migranteng Pinoy sa ibang bansa kundi isang masasandalang embahadang alam ang karapatan at alam kung paano ipagtanggol ang kapwa Pinoy nitong biktima ng pang aabuso at pagmamaltrato. Ilan pa bang kabaong ang dapat salubungin nang mga pamilyang pinangakuan nang masaganang buhay para kumilos nang tama ang ilang mga embahadang ginagawa nila dapat ang kanilang mga trabaho, sana putulin na natin ang mga suliraning ito at magkaroon nang maayos na panukala para sa ating mga kababayan sa abroad.
Para mapanood ang nasabing segment sa Bandali click here.
Popularity: 1% [?]
Ang tunay na problema? Ang pagkakaroon at pangangailangan ng mga OFW per se. Subalit sang-ayon ako na kelangan ng psychiatric at psychological care, kahit hindi test, para sa mga OFW.
Matindi ang pressure ng pagkakawalay sa pamilya sa isang banyagang kultura nang walang kasama at kakilala. Kailangan mong intindihin na hindi lahat ng tao ay may kakayahan na harapin ang pressure na iyon.
Security ba kamo? Anong security ang maibabahagi mo kung may ilang libong OFW sa isang bansa sa iba’t ibang lugar na iyon at ang embahada mo ay may 50/60 empleyado lamang? Gusto mo bang mag-setup din ang Pinoy ng pulisya sa mga bansang iyon?
Psychiatric test para world-class Tsimay ang Pinay?
PFW tsimay must know what they are getting into. Psychiatric test may not be necessary. The issue is clearly an employment contract between employer and employee. Both must agree to actual regular hours work which is 40 hours a week. an 8 hours day of work for 5 days. atismay must know her days off and should demand at least 2 days in a week. this is the framework of that relationship. Beyond those hours, compensation for overtime should be clearly stated in the contract that both “amo and tsimay” must agree. the 8 hours work must have a start time and end time just like any job. Any “utos” outside those required hours is considered extra hours work. This rule and regulation must be clearly define by Philippine foreign affair ( or whoever is in charge ) to protect our tsimay. This is what foreign affairs is all about. Any overtime work not compensated by the employer is considered abusive and a breach of contract. This is a simple employee-employer contract. Philippines must clearly define its purpose. It must consider the labor law of the contracting country and understand penalty for human rights violation.
I cannot believe that whoever is in charge of our foreign affair do not understand the basic framework of employer-employee contract. If I was the tsimay, I will demand to know, what is full time , when is my day , what time is start time and end time, and what is overtime and how much.
OFW pala
The department of foreign affairs must set up emergency numbers, pinoy organization with contacts phone numbers, website and forum for social interaction of these tsimays. The department cannot just trust the “amo”. The “amo” must understand his role, penalty and responsibility to abide the employee-employer contract. The department of foreign affairs must have copies of the contracts, copy for the family members and as well as the employer. Psych test is only an addition to the contract ( more like a resume) but it is not the best solution. who the hell suggested this type of test? hehehe :)
leytenian on October 20th, 2008 4:53 am
The department cannot just trust the “amo”. The “amo” must understand his role, penalty and responsibility to abide the employee-employer contract.
==================================================
san ibabase yun trust? sa perseption ng isang hamak na tao? hindi ba magkaiba ang pagiisip ng isang lasenggero sa isang madre? ang panukala na psych test ay para magkaroon ng empirikong basehan ng panukala mong trust. magtitiwala ako na alam mo ang sinasabi mo kung may alam ka sa psychology. pano ko malalaman kung may alam ka sa psychology? ed pasasagutin kita ng test tungkol dito. kung nagaral ka sa paaralan, alam mo na ang mga test ang basehan ng lahat ng bagay.