The following is a video and the full text of Senator Noynoy Aquino’s Speech at his Press Conference, in which he announced that he will be going on a spiritual retreat to seek divine guidance and to assess his readiness.
Mga minamahal kong kababayan,
Kagabi, nasaksihan natin ang isang hindi pangkaraniwang kaganapan. Sinabi ang aking matalik na kaibigang si Senador Mar Roxas na magsanib kami upang harapin ang napakalaking hamon upang baguhin ang ating lipunan.
Umaapaw po ang paghahanga at paggalang ko kay Mar sa kanyang pagsasaalang-alang ng kanyang personal na ambisyon para sa pagkakaisa ng aming partido at para sa higit na mataas na mithiin na kapwa namin inaasam para sa atin bayan. Senator Roxas’ sacrifice is a finest example of selflessness that our nation sorely needs in these morally troubled times.
Tulad po ng kanyang sinabi kagabi, kalimutan po muna natin ang ating mga sarili dahil ang laganap ng pagtingin sa pansariling kapakanan ang mismong ugat ng kasakiman at pagkawatak-watak na sumisira sa ating lipunan.

Kasama po ako ni Mar sa mas malaking laban ito at sana kasama rin naman ang bawat Pilipinong naniniwala sa angking kalinisan ng loob ng karamihan ng ating mga kababayan at naghahangad ng isang bansang tunay nating maipagmamalaki.
Ang usapin pong ito ay di tungkol sa akin o kay Mar. Ang mahalaga pong malaman ay kung kasama namin kayo sa misyon ng tunay na pagbabago. Hindi po madali ang misyong ito dahil matindi ang kabulukang bumabalot sa ating lipunan. Ngunit hindi imposibleng makamit ang ating mga pinakamimithi para sa Pilipinas at ito ay magsisimula sa bawat isa sa atin.
Sa dakong ito, dapat pong tanungin natin ang ating mga sarili — Handa na rin ba akong magsakripisyo para sa bayan? Sa mga nalalabing araw ng aming pagluluksa at pagdadalamhati sa pagpanaw na mahal naming ina, sisikapin ko pong taos-pusong sagutin ang katanungang ito.
Sana maunawaan po ninyo ang bagay na ito.
This weekend, starting tomorrow actually, I will be going on a spiritual retreat as I pray for discernment and divine guidance. I urge you to pray with me so that you too can assess your own readiness to take part in the difficult struggle ahead. We are hopefully in this together.
Anuman ang mangyari, tandaan po ninyo ito: Nilabanan ng aking amang si Ninoy Aquino ang lahat ng katiwalian at pang-aabusong sumira sa ating bayan.
Nang siya ay pinaslang, pinagpatuloy ng aking inang si Cory Aquino ang laban para mapanumbalik ang ating demokrasya at ang dangal ng bawat Pilipino. Nakamit po natin muli ating kalayaan di lamang dahil sa sakripisyo ng aking ina kundi dahil tumaya din ang milyon-milyong Pilipino. Ngayong umaatras muli ang ating bayan patungo sa bangin ng kapahamakan, panahon muli upang manindigan.
Panahon din maghanda para sa isang mas mahaba at matinding laban kung saan walang bibitiw hanggang makamit natin ang pagbabagong ating hinahangad. Hindi ko po tatalikuran ang hamong ito. Sana’y kasama ko kayong lahat sa laban na ito.
Maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat.
Popularity: 1% [?]
No matter what they say about roxas’ rating on 2010 surveys, it’s plain to see that he’s simply “Rated K*” and his giving way to aquino is not surprising. I guess roxas realized that the CORY MAGIC is not to be replaced. by KORIna MAGIC…
*K=kulelat
Korina magic or Korina Voodoo…hehe
noynoy’s “spiritual retreat” is a crude imitation of joan d’ arc’s consultation with God before accepting the leadership of the french army in the 15th century. i don’t question noynoy’s faith but i have problems with his public announcement of it (he could have done it in privacy). i can’t help but suspect a melodramatic attempt to entice the catholic masa to his candidacy a la a trite, badly-scripted pinoy teleserye.
A writer of the 30-and-below age group writes:
http://smoke.ph/?p=1622
We all seek Divine Guidance. We who believe God; pray, read and
learn to understand the Words of God and our faiths. We Meditate
and we pray. That we can see our right path in this life.
We have all our concepts about God. We respect each others’ faith
and religion.
Please listen to Dr. Erick San Juan’s commentary: http://www.youtube.com/watch?v=8yxjtTy7VvA. Senator Aquino should pity himself and stop riding on his legendary parents’ euphoria.
This is the press con that did not need to have been held for it said nothing – or what in gist did Noynoy convey across intelligences?
Is he trying to ask whether or not the people are ready to brace up to a new challenge?
Is he in fact asking himself in public whether or not he deserves to be taken to task?
Until answers are supplied to this question, Noynoy announces his going on a spiritual retreat as if to derive providential help so that as if by some kind of deux ex machina (is my French correct?), he will stand as the supposedly anointed one?
This religious ‘hocus pocus’ is strange to me. Why are we being taken for a ride to believe in the seeming ‘inanity’ of this actually reluctant presidentiable.
The first thing he ever said on this possibility of him running for the office of the president betrays his now prevailing desire to be fielded as the flag bearer of the Liberal Party.
Who is doing us a favor?
From out of nowhere and out of the blues, this man is saying he will carry on the works done by his parents at separate periods in the country’s social history.
On a more foolish note, why does he have to read that message from a reading source, simple as the message would seem? That hardly gives me a clue whether he will be a good president, intelligent at that.
Sorry, but I do believe that we need a president as intelligent as Marcos this time.