Ang salitang “kolorum” ay unang ginamit noong panahon ng Kastila bilang tukoy sa mga Pilipinong rebelde. Ngayon, maririnig mo ang salitang ito bilang tukoy naman sa mga iligal na pribadong sasakyang kumukuha ng mga pasahero. Isa ito sa mga problemang nais umanong solusyunan ng LTO. At ginagamit itong dahilan ngayon bakit kinakailangan ang isang 2 bilyong pisong proyektong tinaguriang RFID or Radio Frequency Identification.
Mula na rin mismo sa bibig ng LTO, mayroong 340,000 kolorum. Alam naman pala nila kung ilan, bakit hindi isa-isahing hulihin? Walang saysay kung gayon ang RFID dahil ngayon pa lamang batid na ng pamahalaan kung ilan talaga ang mga tropang kolorum.
Kolorum din sa paningin ang mga naglipanang mga sasakyang nagbubuga ng masamang usok. At ito rin ang dahilan bakit kinakailangan daw ng LTO ang RFID. Ang kasamaan nito, hindi naman kailangan na ang RFID dahil biswal naman ang gamit ng mga anti-pollution teams sa paghuli ng mga sasakyan. Mata lamang, maa identify mo na ang violator.Hindi na kailangan pang may RFID.
Kolorum din siguro sa paningin ng LTO ang mga humaharurot na sasakyan, kaya naman kailangan ang RFID para sa paghuli ng mga ito. Pero nga, limitado rin ang range o layo na maaaring ma detect ng RFID at sa pag amin mismo ng LTO at Stradcom, ang ahensyang nagpanukala at kikita ng mahigit P 600 milyong piso para dito, sampung metro lamang ang kapasidad sa deteksyon ng RFID.
Kolorum din naman sa paningin ng marami na tanging Stradcom lamang ang ahensyang makapagpapanukala ng mga proyektong ganito sa LTO. Talaga yatang anak ng Dios ang Stradcom at wala nang ibang matalino sa Pilipinas, gayong aminado din ang Stradcom sa commercial nila na hiram na ideya lamang ang RFID sa Singapore. Wala namang inobasyong dala ang Stradcom at ang tanging katangiang dala-dala nito ay ang malaking sampal sa integridad ng mga taga-DOTC. Nakukuha lamang sa lakas ng koneksyon at presto! Mayroon ka nang bilyong pisong proyekto.
Kolorum din ang pagpipilit ng LTO na mangulekta ng 350 pesos kada istiker na may RFID sa mga motorista, kasama na pati nag momotorsiklo, gayong sa halagang 80 pesos lamang sa Singapore, mayroon ka nang similar na istiker na RFID. Sabi ng Stradcom-LTO, mayroon daw ispesyal na katangian ang RFID, gayung sa bibig na nila nagmula na ang tanging laman lamang ng microchip ay vehicle information at wala nang iba.
At talaga yatang gusto ng pamahalaang ito, sa pamumuno ng LTO, na muling lumaki ang rango ng mga kolorum dahil tiyak kong alsa at isang nakapangyayaring rebolusyon ang magaganap sa sandaling ipilit ng STRADCOM-LTO ang proyektong ito.
Malaking sampal sa katalinuhan ng Pinoy kung pipilitin ng pamahalaan na tanggapin ng madla ang legal na kotong na ito. Hindi na nga katanggap tanggap na tumataas ang presyo ng gasolina ng walang kaabug-abug. Hindi na rin katanggap-tanggap ang ilang mga buwis tulad ng VAT na ipinapataw sa bawat mong galaw sa bansang ito. At hindi na rin talaga matatanggap, at alalaong baga’y kasula-sulasok na ang napakataas na presyo ng mga bilihin at mga ispare parts ng mga awto, heto, at pipilitin tayong tanggapin ang isang proyektong malinaw na PANDARAYA at LEGAL NA PANGONGOTONG.
Handa ang taumbayan na mag-alsa laban sa pamahalaang ito sakaling ituloy nila ang RFID. Tama na ang pagiging anak ng karnal at demonyong dios ang Stradcom, na palagian tayong dinadaya at inuulol. Tama na rin ang pangongotong sa atin ng mga opisyales de gobyerno. Panahon na para kitlin ang kotong mentality sa mga ahensya de gobyerno.
Popularity: 1% [?]
Ang usapang FRID ay pinagsamang kolorum, pangingikil ng isang pamahalaang walng pangundamang gawin ang lahat para lamang kumita kahit na sa baleng likod ng mga taong wala nang makain dahil sa koruptsion at ang utak pulbura ng mga militar.
Dean
Kung ang traffic enforcer na humahawak sa “monitor” ay ang traffic enforcer na mahilig mangkotong eh pangit pa rin ang kalabasan. Sa huli ang RFID ay isang kagamitan na pwedeng magamit sa tama at kasamaan na nasa kamay sa mamayan na nilagay sa pwesto ng kapangyarihan.
Sang damukal na kurap ang nasa pamahalaan…panahon para kalusin..tulad din yan ng iba na gustong gawing lehitimo ang jueteng..kung mataas ang ating moralidad dapat pa ngang ipagbawal ang sugal….hindi lang yan ang baho sa LTO..maraming pampasaherong driver (taxi, bus, at jeepney) mahigit sa isa ang kanilang lisensiya. Paano ito nagagawa? Sa Lungsod ng Davao, karaming sasakyan sa gabi rumaragasa ng walang ilaw, hindi ito alintana ng LTO…
Nakakapanglumo,lubog na talaga ang ating pamahalaan sa kurapsyon…pagkatapos boboto pa tayo ng mga taong kapanalig ng mga kurap, kaibigan ng mga kurap, mga taong lantad ang karumaldumal na gawain, mga kababayan ko, mag-isipisip po tayo, iluklok natin ang isang matuwid at mataas ang moralidad. Huwag na po yung dahil maraming kakayahan o kaya dahil siya sikat lang….
The Philosopher William James stated:” The greatest discovery of
our generation is that mankind can change their mindsets by changing
their attitudes”.
We Filipinos have wrong mind sets and the worst of attitudes. Each man for himself is the call for the day. So, we have bad politicians, bad leaders and bad mindsets. Filipinos want to cheat, and get away with it, if they can. There is already a breakdown in morality on all levels. Not because of poverty. But because we lost our ideals already as a people and as a nation.
Mukha ngang isang negosyo lang ito kaysa sa pagiging isang totoo at epektibong sistema sa daan. Ang dami na nating kailangang bayaran sa mga sistemang hindi naman tayo nabebenipisyuhan.
i am an employee of LTO.. and i dont really see why we should collect 350 pesos for every motor vehicle just for this useless RFID.. what is clear is that only the STRADCOM will benefit from it.. just imagine the billions of pesos they will get from this useless project.. nothing even goes for the benefit of the employees of LTO who are the lowest paid but overworked government employees in the philippines.. collecting 350 is just an additional work for us and no additional compensation will be given for us.. evaluators at LTO only recieve less than 300 pesos a day, what is worst is that some people think that a percentage of what could be collected from RFID will be given to LTO.. that is not true.. STRADCOM is getting richer and richer while the employees of LTO are stuck with the lowest salary in the government service. i hope our officials would start to think about this.. we collect billions of pesos for the revenue of the government but ironically employees are demoralized with the lowest salary they receive.
Ang istorya sa likod ng R.F.I.D. scam
Noong 2007, ang kontrata ng STRADCOM sa computerization ng LTO ay nagtapos na. Subalit dahil nakasaad sa kontrata na “HAWAK NILA SA LEEG” ang LTO, dahil sa pagtatapos ng kanilang kontrata ay dadalhin nila ang mga computer hardware at software, at ang ititira ay ang DATA lamang, nanatili ang STRADCOM sa LTO. Patuloy sa paninigil ng COMPUTER FEE kahit na ang DATA ng bawat sasakyan ay naka-encode na at wala ng dapat pang i-build up o i-data entry. Patuloy ang pagkulekta ng STRADCOM ng bayad, dahil walang kumukwestiyon, sa ilalim ng ilong ng mga motorista.
Sa kabila nito, ang pamunuan ng DOTC at ng LTO ay humingi ng mas malaking “PARTE”, ibig sabihin, patong, lagay, kickback, etc, dahil nga naman, tubong lugaw na ang STRADCOM dahil dapat tanggal na nga sila. Syempre pa, medyo nagpakipot ang pamunuan ng STRADCOM at nagmungkahi na magdagdag na lang ng mga singilin sa motorista dahil anila, mga bobo naman at hindi aangal. Kung may aangal man, kokonti lang dahil gaano na lang ba ang sisingilin eh minsanan lang naman ang bayaran isang taon. At anila, may pera ang mga motorista dahil naka-sasakyan nga. Dito na ipinatawag ng STRADCOM ang kanilang mga “money making” thinktank upang umisip ng mga paraan kung paano pa makaka-kolekta ng dagdag kita upang lalo pa silang magkamal ng salapi.
Unang pinalusot ay ang tinatawag na INTER-CONNECTION FEE daw. ito ay karagdagang P70.00 pesos kapag ikaw ay nagpa-smoke belching test. Napansin ba ninyo, bukod sa P350.00, eh may naka staple pang resibo na P70.00? Me narinig ba kayong angal? me umapila ba? wala di ba. e ano nga ba yung P70.00 peso eh naka Honda CITY ka naman. chicken feed!!!
YUN ANG BASIS NG STRADCOM, walang aangal dahil barya lang ang sinisingil nila. Naunawaan nyo ba kung ano yung inter-connection fee? Malay mo nga naman diba, nadale na kayo dun pero okay lang kayo kasi nga P70.00 lang.
Teka, 8 million registered vehicle X 70.00 = 560 million pesos na walang kahirap hirap. KADA TAON HA. Malaki din pala nadudugas namin sa inyo. Aangal na ba kayo?
Pero dahil mga buwaya nga, talagang walang kabusugan. Kaya pinulong ulit ng mga hunghang ang mga evil brains para utusan na, “Pigain na natin ng husto ang mga bobong motorista, bayad naman ng bayad eh”. At dito na ipinanganak ang unang plano na “Car info sticker” kung saan didikitan ng sticker ang mga sasakyan, nakalagay dito ang mga detalye na makikita din naman sa “Certificate of Registration” o “CR”, at sisingilin nila ng P300.00 yung sticker. Di syempre sangkatutak na angal ang inabot nila. Napigilan ito, hindi napatupad. Bulilyaso! eh kasi nga walang bahid High Tech. Mantakin mo nga naman na sticker lang tapos ang impormasyon eh nasa CR na din, hindi umubra. Ipa-photocopy (reduced) na lang yung CR at idikit sa windshield, sabi ng mga pilosopo kaya na-abort yung evil plan number 1.
Pero hindi agad susuko ang evil brains ng STRADCOM, kailangang magmadali dahil dapat magkapera at ma-implement ng October. Na browse sa internet ng mga IT gurus ang tungkol sa RFID, at iminungkahi agad kahit na hindi pang vehicle talaga. Napagkasunduang, pwede, at inaprubahan agad. Ang siste, ang lalamanin lang ding impormasyon nito ay kung ano ang nakalagay sa CR, pero, may bahid high tech na, kasi R.F.I.D. na. Naintindihan nyo ba ibig sabihin ng RFID? Basahin nyo na lang sa last part.
Tatlong klase ang pwedeng gamit ng RFID:
1. sa simpleng paliwanag, parang tag lang ito, barcode or product code. na ang corresponding data or information ay mare-retrieve mo sa main computer gamit ang isang reader or scanner.
2. o kung ito ay may microchip, pwedeng mag store ng data dito at marere-trieve din ang data gamit ang isang reader.
3. at ang pinaka delikado sa lahat, na maaring gamitin laban sa mga motorista, PWEDE KANG I-TRACK ng ahensiya. RFID ang gamit sa mga producto sa mga dept stores na medyo mahal ang item at RFID din ang gamit sa mga cargo ng freight services.
Pero may pakinabang ba talaga tayo sa RFID kung ito ay gagamitin sa mga sasakyan? WALA. ang tunay na gamit ng RFID ay para sa PRODUCT TAGGING, INVENTORY, AT TRACKING. Sa mga producto para ma-track mo kung nasaan na yung location dahil kada daan nito sa isang area, nababasa ng reader ang RFID at alam na dumaan na ito. Maaaring naglalaman din ito ng info kung sino ang manufacturer, kung ano ang laman, timbang at kung saan ang destinasyon, dahil nakalagay na ito sa RFID o sa main database.
Alam ninyo, may malaking blunder ang kompanya namin dito eh, ang STRADCOM, dahil nag-implement kami ng information via TEXT lang kung saan ite-text nyo lang ang plate number, makukuha na information ng isang vehicle. Eh, imomodify lang namin yung info na binibigay ng TEXT project namin, at bigyan exclusivity sa mga enforcers lang ng LTO, nagawa na agad ang gustong gawin ng RFID System.
Di ko na nga lang masikmura ang kagarapalan ng mga amo namin na sobrang magpayaman samantalang kami ang tumatrabaho eh nangungupahan pa din kami ng bahay. Anak ng toklang, ibuking ko na lang di ba.
Eto itanong ninyo sa STRADCOM para mabuliyaso sila.
Bakit kelangan ng i-implement ngayong October?
1-kasi pinipiga sila ng isang mataas na opisyal ng LTO na tatakbo sa darating na halalan.
2-Kasi kung mapalusot nila ng October, tahimik ang november at December, pag dating ng January parang may basbas na dahil nga nasimulan na ng October. at dapat mag start na ngayong October, kasi pag sa January mag start, titirahin ng mga pulitiko, at baka tamaan pa ng ban.
Pag naka RFID ba, di na kelangan magpa stencil at magpa smoke belching pag magpapa rehistro?
Kelangan pa din. Ano yung sinasabi nilang mapapabilis na rehistro? For your info walang mase-save na time sa pagpapa-rehistro ninyo. same procedure.
ANG KATOTOHANAN:
HINDI MAPAPABILIS ANG TRAPIKO GAMIT ANG RFID (ipadetalye ninyo sa STRADCOM ito)
HINDI BIBILIS ANG REGISTRATION PROCESS NG IYONG SASAKYAN GAMIT ANG RFID (eto rin)
HINDI MAPIPIGIL NG RFID ANG MGA SMOKE BELCHERS (eto pa)
PWEDE KANG MA-TRACK KUNG NASAAN KA GAMIT ANG RFID SA IYONG SASAKYAN.
HINDI MAWAWALA ANG MGA KOLORUM GAMIT ANG R.F.I.D.
PWEDENG GAMITIN NG MGA KOTONG LTO ENFORCERS ANG R.F.I.D. (sasabihin lang ng LTO officer na sabi ng RFID hot car gamit mo)
Ang bottom line. WALANG PAKINABANG ANG CAR OWNER SA RFID, O MAGING ANG LTO. SIMPLE LANG ANG PURPOSE NITO: ISANG MONEY MAKING SCHEME ANG R.F.I.D DAHIL GENERALLY, NA SURMISE NAMIN NA ANG MGA OWNER NG VEHICLE AY WALANG PAKIALAM SA KANILANG BINABAYARAN DAHIL MAY PERA SILA, AT HANDANG MAGBAYAD KAHIT ANONG SABIHIN NAMIN BASTA HINDI NILA NAIINTINDIHAN TULAD NG R.F.I.D.
HANAPAN NINYO ANG STRADCOM NG PROJECT STUDY, COMMUNICATION DOCUMENTS, SYSTEMS STUDY, SYSTEM DOCUMENTATION, IMPLEMENTATION PLANS, APPROVAL NG NATIONAL COMPUTER CENTER, AT MAGING KRITIKAL KAYO SA DATES DAHIL SINISUMULAN [A LANG NILANG GAWIN ANG MGA ITO.
AT ILALABAN NILA ITO NG DIKDIKAN, MAGHABOL NA KAYO SA KORTE IKA NGA NILA. NAGSIMULA NA SILA NG COMMERCIAL SA TV DAHIL SA TINDI NG OPPOSITION DITO. KAILANGAN NILANG ILUTANG ANG STRADCOM. BAKIT SUMUGAL ANG STRADCOM AT INEXPOSE ANG KANILANG TAHIMIK NA OPERATION EH KUMIKITA NA NGA SILA NG WALANG INGAY? DAHIL SA 2.8 BILLION NA KIKITAIN SA PROYEKTO SA LOOB LANG NG ISANG TAON AT DAHIL SA PRESSURE SA TAAS NA I-IMPLEMENT NA ITO, PARA MAKUHA NA ANG PATONG.
Sabi nga ng ABS-CBN, AKO ANG SIMULA. Makialam tayo. Pigilin natin ang pagpapatupad nito. I-forward sa lahat ng kaibigan niyong may saksakyan at sana ay makarating sa inyong mga kongresista, sa mga senador, sa mga taga DOTC, taga LTO, at sa malacaƱang.
kung may oras ka pa, panoorin mo kung ano talaga ang gamit ng RFID_
_http://www.youtube. com/watch? v=yNPDgudPmXE& feature=related _
_http://www.youtube. com/watch? v=4Zj7txoDxbE& feature=related _
_http://www.youtube. com/watch? v=hPqUUR5OFJg& feature=related _
_http://www.youtube. com/watch? v=_Oa1GxctjRA
O kung gusto mo, mag youtube ka (alam mo ba kung ano ang youtube?) at i-search mo ang RFID
O, eto ang sabi ng wikipedia:
Radio-frequency identification (RFID) is the use of an object (typically referred to as an RFID tag) applied to or incorporated into a product, animal, or person for the purpose of identification and tracking using radio waves. Some tags can be read from several meters away and beyond the line of sight of the reader.
Most RFID tags contain at least two parts. One is an integrated circuit for storing and processing information, modulating and demodulating a radio-frequency (RF) signal, and other specialized functions. The second is an antenna for receiving and transmitting the signal.
There are generally three types of RFID tags: active RFID tags, which contain a battery and can transmit signals autonomously, passive RFID tags, which have no battery and require an external source to provoke signal transmission and battery assisted passive (BAP) which require an external source to wake up but have significant higher forward link capability providing great read range.
Today, RFID is used in enterprise supply chain management to improve the efficiency of inventory tracking and management.
eto naman ang sabi ng http://www.rfidjour nal.com/article/ articleview/ 1339/1/129/
Radio frequency identification (RFID) is a generic term that is used to describe a system that transmits the identity (in the form of a unique serial number) of an object or person wirelessly, using radio waves. It’s grouped under the broad category of automatic identification technologies.
Auto-ID technologies include bar codes, optical character readers and some biometric technologies, such as retinal scans. The auto-ID technologies have been used to reduce the amount of time and labor needed to input data manually and to improve data accuracy.
Friends,