If you intresting in sport buy steroids you find place where you can find information about steroids

Saan ang CPP-NPA-NDF sa kasalukuyang hidwaan?

Usap-usapan sa ilang tagong sulok ng Pilipinas ang napipintuhong pakikipag-usap ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) sa rehimeng Arroyo. Ayon sa balita, malapit na umanong bumalik sa negotiating table ang dalawang panig. Pamumunuan umano ni NICA head Norberto Gonzales ang diyalogo, kasama siguro si Presidential Peace Adviser Hermogenes Esperon Jr sa panig ng GRP (Government of the Republic of the Philippines). Naglatag ng paunang Agenda ang rehimeng Arroyo na agad namang ibinasura ng CPP-NDF. Ayon sa tagapagsalita ng CPP-NDF at pinuno din ng partido, Fidel Agcaoili, hindi maaaring magdikta ang rehimeng Arroyo sa maaaring direksyon ng usapang pangkapayapaan.

Kataka-taka naman ang aksyong ito ng CPP-NDF. Matapos na bastusin ng rehimeng ito si CPP-NDF-NPA Consultant Jose Maria Sison nang ipahuli sa Netherlands at muntik na ring ipapapatay, babalik pa rin ang partido sa pakikipag-usap? Ito ba ang dahilan kaya mahina ang aksyon at suporta ng mga lahad na prente ng partido laban sa charter change at lalo na sa impeachment? Kapansin-pansing hindi rin pumupronta ang mga personalidad ng mga lehitimong organisasyon ng Partido sa pakikibaka para sa pagpapatalsik ng rehimeng Arroyo. May ugong na ngang kaya mahina ang suporta sa impeachment ay sa kadahilanang maaaring nabigyan na nga yata ng kanilang alokasyon sa badget ang partylist BayanMuna at Gabriela kaya naman ganoon na lang ka-lamya ang kanilang partisipasyon sa anti-Arroyo movement?

Naghayag ng kanyang pinakamalakas na denunsasyon si Joma Sison laban sa rehimeng Arroyo ilang linggo na ang nakararaan. Hindi ba sususugan ng CPP-NDF ang panawagang patalsikin si Arroyo bago pa ang 2010? Naghihintay ba ng milagro ang partido mula sa langit, tulad ng CBCP at ng MBC?

Sa obserbasyon ko, unti-unting pumuporma ang isang nakapangyayaring kalagayang rebolusyunaryo sa ating bansa sa kasalukuyan. Hindi maglalaon at lalala ang tunggalian sa pagitan ng mga sektor sa grupong elitista at magkakaroon ng isang power vacuum. Kung may lakas at may tatag lamang ang CPP-NPA-NDF, maaaring punan nito ang vacuum. Ngunit, malayong mangyari ito dahil sa kahinaan na rin ng puwersang militar ng Partido. Malaki ang tsansang maiwan na naman sa kangkungan ang Partido sa susunod na sigwang panglipunan, tulad ng leksyong inabot ng Partido noong 1986.

Popularity: 1% [?]

Comments

  1. EQualizer says:

    Joma Sison and his cohorts are relics of the past.You can’t wage a revolution in faraway Utrecht.

  2. joma says:

    Prinsipyo na lang ang meron sa CPP-NPA. Sa ngayon, mas marangal na bandit sila.

    Joma and his cohort are the true opposition but they have seen their best days. At sometime it was my strongest conviction na sila ang pag-asa pero at the crucial moment, nanlamig ang mga paa nila and they were left wondering what has happened.

    Of course, hinde rin naman natutulog ang kaaway nila and therefore, at present time, they are losing.

    Ilang taon na ba since the 60′s?

    To answer the question: they are in neither sides but theirs.

  3. hindi kaya dahil ‘di nag-uusap ang mga nasa bundok at ang mga kabaro nila na nilamon na ng sistema?

  4. Conyo says:

    Most of them have sold out and were surprised to discover the pleasures of having the latest cell phone and, of course, Starbucks Coffee!!!

  5. joma says:

    Conyo,

    Please dont hold on to that opinion. Surely, these militants will use the current technology (and the resulting perks and pleasures) if it will advance the revolutionary cause.

  6. joma says:

    Hi PM!

    Familyar ka ba sa term na “tactical alliance”? Kung nagbabasa ka ng Ang Bayan (official paper of CPP/NPA) makikita mo na lumulugar din sila sa sentiment ng nakakarami. But they have their own agenda and that is not a secret.

    Kung babasahin mo ang mission statement ng CPP/NPA malinaw dun na (sa bandang huli) hinde sila umaasa sa ‘hungkag’ na election, charter change, or impeachment, dahil ang mga player dyan ay mga vested interest at puppet ng imperialismo. Hinde sa mga elected politician magmumula ang tunay na na pagbabago kungdi sa pagbabago mula sa mamamayan sa pamumuno ng CPP/NPA.

    Dahil dyan, misguided ang title ng article mo.

    Pero gaya ng sinabi ko, there were times when they were ‘more popular than Jesus Christ’ now they are bunch of ragtag liberation forces.

    Whether they will regain their old glory or not will remain to be seen. They were very active and instrumental in the downfall of Marcos.

    They simply failed to put more bet to grab the power at the right moment.

    At alam mo na sa tong-its, oras na nalagpasan ka ng tsansa, ihanda mo na ang pang-bayad.

  7. jcc says:

    npa ragtags during the marcos time were honorable fighters. when the battle has been long-drawn, they started feeling the need to survive too. they have to eat and run their outposts and commands and they needed reources to do that. they started taxing local businesses under their turf and some illegal loggers. they were also ruthless to known enemies, rich or poor.

    local residents look at them as no different than the politicians if not worst. a politicians would have second thought murdering his rival because it could prove to be his undoing and he could be brought to court for that. the NPA elements can kill and they can continue to roam around the cities or the mountains because they operate clandestinely and through their cells.

    so the NPA has lost the luster and the mystique of its revolutionary appeal that used to inspire the rural poor.

    that’s where

  8. Matagal na akong hindi nakapagbabasa. Tungkol sa tactical alliance, ginagawa lang ito Joma hindi sa direktang kaaway kundi sa mga grupong kaaway lang sa iilang isyu.

    Masamang pangitain kung may taktikal na alyansa ang CPP-NPA-NDF sa kasalukuyang sinusukang rehimeng Arroyo. Hindi yata kailanman lumagay sa taktikal na alyansa si Mao sa kanyang mga pangunahing kaaway.

  9. Ishmael Ahab says:

    Himala mula sa langit. Kung ganun na nga lang ang hinihintay ng CPP-NPA-NDF ay tiyak na nanganganib tayong lahat. Isipin mo, ang ultra-enemy ng current system ay umaasa saa himala?

    We are at a crucial time. Mukhang magtatagumpay sina gloria. Todo todo kasi ang paghahanda nila eh.

  10. blackshama Blackshama says:

    “CPP/NPA malinaw dun na (sa bandang huli) hinde sila umaasa sa ‘hungkag’ na election, charter change, or impeachment, dahil ang mga player dyan ay mga vested interest at puppet ng imperialismo. Hinde sa mga elected politician magmumula ang tunay na na pagbabago kungdi sa pagbabago mula sa mamamayan sa pamumuno ng CPP/NPA.”

    Eto na naman tayo! Di ba natuto at nadala ang CPP-NDF sa malaking tactical error nito noong 1986?

    Kahit anong pang sabihin ng iba, hindi na siguro babalik sa rebolusyon ang ganitong pagkakataon.

    Siguro naman alam ng CPP-NDF kung ano dapat ang gagawin sa totoong rectification. Kailangan ng CPP-NDF ng mga bagong ideologues.

  11. blackshama Blackshama says:

    “Joma Sison and his cohorts are relics of the past.You can’t wage a revolution in faraway Utrecht.”

    Is it possible to have (in a globalised capitalist world) a sealed Airbus to fly our revolutionaries home? That’s if they want to come home.

  12. mlq3 says:

    no kaiser to ok smuggling in a latter-day lenin to petrograd. not worth the airfare for anyone.

  13. blackshama Blackshama says:

    MLQ3

    LOL! :-) Does the Dutch government really live up to their “kuripot” image? I was told that they are the Ilocanos of western Europe.

  14. art says:

    it’s an ideologically dead movement. they must re-invent themselves to remain relevant. maybe do away with the communist ideology altogether and replace it with something like “revolution for revolution’s sake”. a class struggle nonetheless but freed with the baggage of communism. bonifacio et al., fought for a revolution with nothing more than a yearning to be free as the cornerstone of its ideology. i believe we can – and must – do likewise in the present set-up.

    joma sison and others should just relinguish the leadership to others who are not afraid to be where the action is and not cower in a faraway european sanctuary. maybe he could just accept a professorship in an ultrecht university and teach remote controlled revolutionary principles…hahaha

  15. Ano pa man ang sabihin ng mga nasa bundok pa rin at nakikibaka, ang kawalang aksiyon nila sa talamak na kabulukan sa pamahalaan ay nag-iiwan ng tanong: nasaan ang ABB kung kailan kailangan ngan ito ng sambayanan???

  16. art says:

    Ding,
    the ABB, as far as i know, had been co-opted already by the military.

    the military used a divide and conquer strategy. they used the ABB faction, offering bribes and concessions, to turn against the ragtag joma army (the NPAs).

  17. Juwan_D says:

    and CPP-NDF-NPA at ano pang grupo nila ay wala ng CAUSA..wala ng pinaglalaban…katulad ng mga politiko at media..kurakot at magnanakaw na din sila!!!!!

  18. Art,

    Tama ang iyong tinuran… Ang malungkot nga kapag lahat cay magkikibit balikat na lamang patuloy tayong nanakawan ng mga buktot na pulitiko samantalang lalayas na lamang ng bansa ang nawawalang ng pag-asa sa kinabukasan, kung kaya nila.

  19. jcc says:

    art;

    your post:

    “joma sison and others should just relinguish the leadership to others who are not afraid to be where the action is and not cower in a faraway european sanctuary. maybe he could just accept a professorship in an ultrecht university and teach remote controlled revolutionary principles…hahaha”.

    heherson alvarez, manglapus et al., were called “steak commando” because they were fighting marcos from abroad over a dinner of steak and american food.

    it was only ninoy who stayed behind and fight and while he has gotten his furlough from prison to go for a triple bypass he hurried back home after the operation and had tried to fight back again.

    no one from our present-day fighters can approximate ninoy’s fortitude and courage. but some of us would even deny that accolade to him and that could be the reason why we remain a bunch of whimps and losers.

  20. art says:

    jcc,
    tama ka, joma sison is really an asshole for clinging on to the revolutionary leadership when he is not being effective anymore and is even the cause of divisiveness between the comdrades. para ring si gloria arroyo, feeling indispensable.

  21. bong says:

    bakit ganon mahina na nga ba talaga ang mga komunista natin baka mangyari nyan eh hawak na sa leeg ang mga kakampi natin cpp-npa-ndf. Akala ko pangmatagalan ang kanilang pakikibaka nabasa ko pa sa kanilang philippine web central na ang kanilang patakaran ay maganda na hindi na katulad ng dati.

  22. bon says:

    kung sa bagay ang gobyerno naman natin ay talagang sugapa na manhid at wala nang iniisip kundi ang magpayaman lang naman kasi mga katoliko materyalistiko at mga maliligalig wala sila pakialam sa mga nagsasabog ng hinaing laban sa kanila, di ko masasabi kung masama ang sistema komunista dahil tumanda ako sa mundong ito na kristiyano demokratiko ang sistema na aking inabutan sabi nga sakin ng isa kung kaibigan di pa nga siguro napapanahon ang pagsilang ko dito sa bansang ito kumbaga parte na rin ako ng sistema wala ng disiplina at di na marunong mahiya wala ng hiya sa kanilang mga sarili pati ako damay na din. Kung ang sistema lang natin ay naging komunista ay siguro wala dito sa pilipinas ang mga materyalistiko at magnanakaw na na demokratiko kristiyano malamang nasa ibang bansa ang mga ito tulad siguro ng UNITED STATES OF AMERICA doon sa bansang iyon kahit siguro maghubad ka o magsisigaw ng kung ano-ano wala saysay papayagan pa at dun wala disiplina ang mga tao kasi sila ang pinaka demokratiko gago sa buong mundo lulusubin nila ang isang bansa na wala kaunlaran at sinasakop daw ng imperyalista bansa sabay gegerahin nila ito at pagkatapos ibubuhos nila ang kanilang malademonyo sistema at kultura tulad lang ng hari ng kahambugan at kayabangan dahil sa sila ang nakaimbento ng computer, mga entertainment shows, mga bold at porno movies, mga violent movies na sila ang tunay na gumagawa at marami pang iba. Para sakin ang sistema communism ay nakakatulong din naman sa tao tulad ng Cuba ang klase ng revolution na kanilang ginawa ay ang sistema tama lamang para sa mga mamamayan ng CUba lamang yun bang Cuba is for cuban only at pwede sila magkaroon ng foreigner visitor pero hindi ang amerikano, dito naman sa atin sa pilipinas ang sistema ng komunista dito ay di gaano makikita ang ideyolohiya ng communism kundi ang sistema ng npa kasi sa history nga naman ng komunista sa buong mundo ang pagtatayo ng communism ay upang ibagsak ang pasista at imperyalista pamamahala tulad pang-aapi sa mga manggagawa at ang mga lower class worker, kaya kapag binanggit ang komunista dito sa pinas ay rebelde di gaano kilala ang ideology ng communism pero nabasa ko sa web central ng cpp npa ndf ay meron silang bagong saligang alituntunin magaganda rin naman ang nilalaman ng kanilang makabagong sistema yung mga luma at nakaraang sistema na kanilang ginagamit ay kanila ng inabolish, inalis na nila lahat naman ng klase ng sistema sa una ay nagkakamali tulad nila mga komunista sayang nga lang at kakaunti na lamang ang kanilang miyembro at mukha humihina na rin sila tapos hinihikayat pa sila na sumuko na at umanib na sa administrasyon lintik na iyan ang galing talaga ng nagagawa ng pera kung sa bagay papaano ka nga naman mabubuhay kung wala kang pera di ba yun ang kapangyarihan ng administrasyon wala daw pondo para sa mga proyekto at trabaho pero kapag pamumulitika naglalabasan ang mga salapi at tunay na hangarin ng pamahalaan mga sinungaling talaga, akoi naman bilang isang indibidual na naninirahan sa bansang ito ay patuloy na naghihintay ng tunay na pagbabago sa sistema ng politika at ekonomiya kung sa bagay bakit ko pa nga pala iniisip ang mgahanap ng ikabubuhay ko kung ang sistema naman natin ay talagang bulok lahat negosyo kung minsan talaga naiisip ko na tumakbo na lang din sa bundok at sumapi sa kanila ipinaglalaban baguhin ang sistema at gawing komunista ang bansang ito para naman lahat may disiplina at isa pa hindi naman talaga tayo mga kristiyano nung una pa lamang mga datu ang unang mga pilipino dito samakatuwid mga islam tayo lahat na mga pilipino hindi catholic mula ng sakupin tayo ng mga yan ipinipilit sa atin ang kanilang sistema magmula sa pag-uugali hanggang sa relihiyon ubod ng kayabangan ang gusto nila ituro sa atin maging mga amerikano at hapon tayon mga pilipino di naman tayo talaga mga mayayabang at laging naghahangad ng kayaman sangkatutak na kayamanan marami taon ang lumipas naging mayayabang na materyalistiko na kristiyano ang mga pilipino dahil sa mga hambog at magnanakaw na mananakop.

    sinuman ang gusto makipag usap sakin ito ang aking contact: 09299508629 at ang aking e-mail thermo234@yahoo.com

  23. gamay na tawo says:

    ddiri sa amo sa south cotabato grabe kaayo ang npa diri malapason sa tawhanong katongod ang mga mag uuuma ilang pugson ug hatag ug rev.tax kung dili muhatag ingnon dayon nga suporter sa sundalo,wala na ba sila katungod mibalibad.niuli ko sa amo gkan sa syodad naka istorya kug tawo nga nag work sa gobyerno ang amo topic about sa party list nga naa sa kaliwa giingnan dayon ko nya nga ingat daaw ko kay basig naa makabati kay daghan daw sa daw mga npa sa among lungsod,nanindog ako balahibo ngano isa ka taas nga govt.employee makaingon ana.sa ato pa inutil ang intel.div.sa afp ug pnp.dilikado kaayo ug managhan ning mga gropoha ni kanong mga party list nga legal front sa npa

Speak Your Mind

*