Bakit hindi tayo nakaririnig ng mga plataporma ng mga kandidato sa ngayon? Una, dahil siguro wala pa tayong dinadaluhang sortie ng mga kandidato, kaya hindi natin alam na mayroon palang plataporma ang mga trapong ito. Ikalawa, bawal pa dahil sa hindi pa sila nagfa-file ng certificates of candidacy at ikatlo, maaaring wala sa plano ng mga trapong ito na magpaliwanag ng mga teknikal na paraan para nila nakawan, este, solusyunan ang mga problema ng bayan.
Mayroong isyung kinasasandigan ang mga kandidatong ito sa pagka-pangulo, taliwas sa ngawa ni Benigno. Isang halimbawa–si Mar Roxas. Tumatayo siya para sa interes ng mga panginoong maylupa at malalaking burgis. Hindi na niya kailangang sabihing maka-masa siya dahil nagbigay na siya ng padyak pedicabs sa mga mahirap, isang malinaw na “pro-poor” policy statement.
Gayundin si Villar. Malinaw na kinakatawan niya ang interes ng mga may lupa at mga dambuhalang burukrata kapitalista na magbubuwis ng kaunting halaga ng pera at impluwensya para kunin ang mga bilyong pisong kontrata ng gobyerno. Halimbawa: C-5 road issue. May pro-poor policy statement din si Villar—palabasin ang mga Pinoy, hikayating magtrabaho sa abroad at sagutin ang pabalik dito pagka hindi pinalad bilang OFW. Mas maraming OFW sa labas ng bansa, mas okey dahil mas maraming bibili ng pabahay ni Villar.
May plataporma din si Erap—ang panunumbalik ng midnight Cabinet meetings, ang pananauli ng katiwalian, ang pagbabalik sa kapangyarihan ng mga dambuhalang Tsinoy businessmen at ang patuloy na pamamayagpag ng mga gambling lords.
Hindi rin pahuhuli si Chiz Escudero. Kinakatawan ni Chiz ang interes ng isang dambuhalang businessman at mga kasapi ng New Money.
Pano naman si Vice President Noli de Castro? Kinakatawan niya ang pautang na maaring imposibleng bayaran. Boses din siya ng sarili niya pati ng mga kutong nakikinabang sa kanyang pagpuwesto sa gobyerno.
Benigno, mayroon silang mga plataporma, hindi nga lamang yaong matamis sa ating pandinig o maganda sa ating paningin, pero, plataporma pa rin plez. Susunod…bakit ganon silang mga trapo…abangan!
Popularity: 1% [?]
Why do we pretend that the presidentiables do not have their “platforms”?
It reflects in their legislative agenda, in their executive thrusts, in their parochial accomplishments.
Now they wanted this mirrored out in their political advertising – be it on TV or radio broadcast, even in the internet.
So bottomline, why do we want to juice out more tomato sauce. It’s all there for the asking.
Please spare us the myth of a well-drawn out platform where there is really none.
I hope this comment sees the light of print.
Primer: Eh kasi, maraming Pilipino, hindi maka-intindi kung hindi i-ispelengin.
Ang lupit mo p’re! Lalo mo akong pina-bilib.
Yan na nga ang problema kung nasa Australya ang kritiko! Alam kaya ni Benigno ang platform plez ni Kevin Rudd?
malamang hindi. this is all armchair philosophising. think how much time he spends blogging in this forum, and elsewhere. is he on the welfare list. wow, swerte naman this auspinoy.
on second thought, maybe he does. because bloggers know how to govern. at least on paper.
pagbigyan na natin si benignO. kung platform ples din lang, maraming gumagawa niyan diyan sa recto at morayta, mura lang.
ayos yan bert, basta wag kang sumama sa rally pag nabanggit sa desperate housewives na tingnan ang diploma ng doctor at gabaka galing sa recto :)
Kahit hindi laging sinusunod ng mga kandidato ang kanilang plataporma pagka-elect sa kanila, kung sa bagay masusukat mo ngayon ang kaisipan nila sa mga platapormang iyan.
Baka nga dun nga sa Recto ang Morayta kinuha ang mga plataporma nila, haha! Si Erap naman sa Greenhills kukunin! hahaha!
popularity now, platform later.
after all, kung may plataporma ka pero hindi ka pasok sa sarbey, malamang umatras ka.
No one on FV has a platform? We are looking for one from the candidates. Why not TELL THEM what it should be. Fill the vacuum.
Joe
You are right Joe, there is really not one at FV with a platform any more than a pseudo if otherwise equally vacuous, bogus, bozo-like submission.
However much everyone pretends, each one leans to one candidate or other in subtle if subliminal ways and it is just very disgusting to know how cheap they can get.
platform? bakit pa naghahanap ng platform eh di din naman masusunod at marerealized yang platform…
eto sabihin ko sayo ang totoong platform ng politico…
1. Manalo sa election at all cost — bayaran ang mga botante, bilhin ang kalaban, bayaran ang mga politico, bilhin ang taga comelec at maglagay ng pera para sa dagdag bawas.
2. 1 to 2 Years…bawiin ang ginastos at magbayad ng utang – pag nanalo na, umpisahan na ang pangungurakot para mabawi ang ginastos…magbayad ng utang para sa mga tumulong..ilagay sa kung ano anong pwesto yun mga kaibigan at kamag-anak sa kung saang office ng gobyerno
2. 3 to 4 years – umpisahan na ang pagplano kung paano manalo uli para sa reelection…hakutin ang lahat ng pera ng mga tao..kunin galing sa GSIS, SSS, OWWA at iba pang kickbacks sa kung ano mang project para panggastos sa panahon ng election.
3. Last year of office / election time – buhusan ng pera ang mga politicong tutulong..gumastos sa mga infomercials..bilhin ang mga botante at politico..bilhin ang comelec etc etc etc
4. Go back to number 1 and so on and so forth…
ganito ang plataporma ng politiko simula pa noong maraming taon ang nakalipas, ganito pa din ang plataporma ng politico ngayon at ganito pa din ang magigin plataporma nila hangang sa susunod na 500 taon…BAKIT? dahil tayong mga Pilipino ay NANINIWALA PA DIN SA MGA LINTEK NA SINASABI NG POLITIKO KAHIT ALAM NA NATIN NA ITO AY WALANG KATUTURAN!
Iba iba talaga ang mga tao. Tingnan mo si Mon Palatino, eh di pumasok sa pulitika. Kung ang tingin ninyo, mangungurakot din siya bago siya mag-kuwarenta, tingnan na lang natin. O, ayan, nandiyan si Panlilio. Nangurakot na ba iyong gobernador? Maaring walang nagawa, pero nangurakot ba? Maaring hindi, maaring oo.
Si Mar Roxas ba, nangurakot sa gobyerno? Si Chiz Escudero ba? O sa tingin ninyo, naghihintay lang na magi silang presidente para traydurin ang Pilipinas, ganoon ba iyon?
Pero kung ganoon ang tingin ninyo sa mga Pilipino na lahat, magnanakaw kapag nagkataon, eh di ganoon. Eh di huwag kayong bumoto. Maraming iba na boboto, iyong iba, hakot, iyong iba, hindi. Okey lang.
SUSMARYOSEP!!!!!
ang sabi ko magnanakaw lahat ng mga politikong pilipino…at hindi ang mamayang pilipino…
di naman nagbabasa ng maayos eh…
at si panlilio…baka sya iboboto ko..pero di pa sure baka makipagbesobeso naman to sa mga kurakot na tradisyonal na politko.
e paano yan? lahat pala e magnanakaw.. e ba’t pa rin nila binoboto?
sa totoo lang, meron namang mga kandidatong matino at hindi magnanakaw – ba’t di nila binoboto?
bongV: agreed. iba-ibang klase ang pinoy, iba-ibang klase ang pinoy-politiko. paniwala ako sa sabi mo — mayroon namang mga kandidatong matino at hindi magnanakaw – bakit nga ba hindi sila ang naiboboto?
If an applicant for a job in your company comes to apply for a position. What would you do in the job screening?
1. Evaluate his or her qualifications for the position.
The education. The work record. The emotional and psychological conditions.
2. Look very hard, if he or she fits for the job that he or she is applying for. Evaluate how he or she reacts to pressures on the job.
3. Test the applicant, if he or she can innovate solutions for your present operational problems. Test how he can improve things.
If he or she comes to apply for a job. With an entertainer on tow to
entertain you. Or give you a bunch of promises that he or she will
do a good job. Then, he or she is trying to hide his or her true intentions to you; by sidesteping the issues of your evaluation procedures and process.
Would you hire this Clown in your company? This is what we are
doing for years. So, we get Clowns, Thieves, Misfits, Bad Characters,
etc…