FV

 
Thursday, September 2

Filipino Voices

Powered by A Collective Voice [Politics, News and Social Commentary]

What next for Chiz?

October 29th, 2009 by Manuel Buencamino

Chiz Escudero said he left his political party, NPC, because

Ako’y lumisan dahil naniniwala po ako na mas matatanaw ko ang dapat kong gawin at dapat gampanan kaugnay sa darating na halalan. Di bilang miyembro, kundi ako lamang po, bilang ako

Una, sino man po ang nagpapaplanong tumakbo bilang pangulo, dapat wala pong partidong kinabibilangan –NPC, LP , NP, Lakas o ano pa man. Ang dapat na partidong kinabibilangan ng sino mang nagpaplanong tumakbo, dapat po Pilipinas. At lahat ng mga kapartido niya, dapat lahat din ng Pilipino.

Hindi po pwedeng nakapiring ang mata, at nakabusal ang bibig. Dahil kung ganyan po ang mangyayari, dating gawi na naman at paano niya mareresolbahan ang mga problema ng ating bansa. Para po sa akin, hindi dapat idikta ng isang partido ang gagawin ng sino mang tatakbo. Dahil kung ganoon, paano niya mapapanagot ang mga tiwali sa gobyerno kung ito ay kagrupo o kasama niya.

Parang okay naman ang dahilan niya. That is kung hindi nagsalita ang isang party insider at sinabi sa Newsbreak

“There may be a simple reason there. He [Escudero] has no funds. The party only committed to bankroll only a fraction of his campaign,”

Kawawa naman si Chiz. Yun epiphany niya binahiran pa ng kapartido pa naman niya.

So what’s next for Chiz?

Some say he will head a Chiz-Ping Lacson tandem. But that’s only because Chiz and Ping have the same political adviser – Lito Banayo.

Pero pwede naman yun tandem na yun kasi meron cult following si Ping.

Others say it will be Chiz and Dick Gordon daw because meron daw war chest si Dick. Pero parang malabo yan.

Chiz would not have anything to do with Villar because the guy is a crook. Eh anong pinagkaiba ni Gordon kay Villar?

Siguro Chiz will slide down to VP but Gordon will not. Saksakan ng yabang yan si Gordon!

But after today, I can’t imagine Chiz running as number two to anybody kasi malalagay siya muli sa position na madidiktahan siya.

Hindi ba lumisan siya sa NPC kasi gusto niya nasusunod ang kanyang sariling pananaw?

Chiz will have to run as an independent presidential candidate if he is to live up to what he said in this morning’s presscon.

Sino kaya ang sasama sa kanya bilang VP? Will he cast his lot with Bayan and Magdalo? Pwede kaya kunin niyang runing mate si Trillanes? Sino kaya ang politikong kilala na naniniwala din sa partyless democracy?

What about funding?

Yun pera problema lang yan kung si Erap, Villar or Gibo ka. Kailangan nila kasi bumili ng boto.

Pero kung si Noynoy o si Chiz ka hindi mo kailangan bumili ng boto.

But I fear Chiz may have marginalized himself.

If he were topping the surveys pwede yun ginawa niya. But he is third or fourth to begin with so ano ang support base niya?

If you look back, Raul Roco performed better in polls and had a larger support base when he went on his own. Pero wala din. (Binoto ko pa naman)

Well, dito natin makikita kung gaano kagaling mag organize si Chiz.

Sa pagpatakbo ng kampanya masusubukan ang leadership ng isang tao. Diyan masisilip kung papaano siya mamahala ng gobyerno.

Kailan takpan ni Chiz ang tenga niya at kilatisin niyang mabuti ang laban na haharapin niya.

Malaking sugal ang linalaro niya at kung matalo siya, wala na siya. The odds are too big to gamble on.

Maybe now is not the time to risk it all.


Fatal error: Call to undefined function p75HasVideo() in /homepages/39/d169067170/htdocs/voices/wp-content/themes/NewFV/single-default.php on line 57